4.24.2011

Something that I'm proud of.

Siguro, kung may ipagmamalaki ako sa ngayon, yun yung napapanindigan ko yung mga bagay na gusto ko. Yung tipong nadadala ko yung sarili ko. Yung hindi ko iniintindi yung sinasabi ng iba tungkol sakin. Yung mga opinyon nila tungkol sakin. Ipinagmamalaki kong hindi ako nagpapa-apekto sa ibang tao. At ipinagmamalaki kong hindi ko pinapakielaman ang mga trip nila.

Siguro nga, yun yung isang bagay na proud na proud ako. Yung napapanindigan kong AKO `to. Yung napapanindigan kong sabihin sa lahat ng tao kung sino ako, at yun talaga ang tunay na ako.

Proud ako na wala akong pakielam sa sinasabi ng iba. Yung tipong, kung ano yung gusto ko, susundin ko at hindi ako susunod sa iba.

Parang sa course, hindi ko papakinggan ang sinasabi ng iba. Wala akong pakielam kung hindi in-demand ang kursong kukunin ko. Basta ang alam ko, mamahalin ko at maipagmamalaki ko sa magiging pamilya ko ang kinuha ko. Walang pag-sisisi.

Tulad nung minsan, sinubukan akong utusan ng so-called "friend" ko, pero sinagot ko siya ng "Ayoko". At pinanindigan ko `yun kasi alam kong hindi naman ako mapapahamak. At hindi ako napahamak.

Proud ako, proud akong sabihin sa inyo na napapanindigan ko ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko.

No comments:

Post a Comment