4.29.2011

Do you often get jealous?

WAHAHAHA. Isang malaking hinde. Hindi ako nag-seselos. Pero siguro, hindi ko lang inaamin. Pero kasi... Hindi talaga eh! I mean, wala akong paki kung makipag-usap ang nobyo ko kung kani-kanino. Basta, alam niya yung boundaries. At kapag nakita ko siyang nakikipag-plert sa iba. Ay. Wala na. Hindi na ko mag-da dalawang isip. Oo, sasayangin ko ang labinlimang buwan namin. Puta. HAHAHA.

De, seryoso. Mag-bisyo ka na at lahat lahat. `Wag ka lang magpapa-huli sakin na may kalandian ka. Seryoso lang. Mas gusto kong sunduin ka ng lasing na lasing, kesa sunduin kita sa bar na puro babae. Mas gusto ko ng makita kang naninigarilyo to death, kesa makita kang masaya sa ibang babae.

Seryoso lang. Hindi ako nagseselos, pero nasasaktan ako. Ililibing kita ng buhay, seryoso.

No comments:

Post a Comment