2.29.2012

Day 1: Five most important/memorable childhood memories.

  1. Burol ng lola ko. 3 years old or mag-ti three ako nung namatay yung Ema ko. Tapos naalala ko pa din yung araw ng burol nya. Pumunta daw ako sa terrace namin tapos andun yung mga bisita. Andun daw yung lolo ko sa harap ng kabaong. Tapos yung tita ko (kapatid ng mommy ko), nakaupo sa isang upuan tapos nag-hi sakin. Tumakbo daw ako at nagpa-cute. Tapos pagbalik ko, akala ko dalawa sila. Yon. Hahahaha. One of my earliest childhood memories. =))
  2. Binuhat ako ng Daddy ko. Hindi ko alam kung ilang taon na ko nun, pero umiiyak ako nun dahil inaaway yata ako ng mga kapatid ko. Hipon ang ulam namin na paborito ko. Tapos ayaw ko daw kumaen. Kaya binuhat ako ni Daddy. Hahaha. =))
  3. Binigyan ako ni Santa ng Barbie o yung mga regalo ni Santa sakin. We had been brought up to believe in God, guardian angels and Santa when we were kids. Nagsasabit kami ng socks and nilalagyan ng gifts yun ni Santa. Although alam ko na sila Mommy lang ang naglagay nun, ayaw ko pa din paniwalain yung sarili ko na sila yun kasi para sakin si Santa talaga ang nagbigay nun.
  4. Nung sinasama ako ni Mommy sa Little Merry Hearts Parumog para bantayan si Dikong. Hindi pa ko nag-aaral nun. Tapos kapag babantayan namin si Dikong, magpapa-cute ako kay teacher Peachie. Hahaha. Mag-ka kangaroo hop ako sa labas tapos kapag tatanungin niya ko kung gusto ko na daw mag-school, sasagot naman ako,"Ayoko po." Hahahaha. =)))))
  5. Pinag-di dikdik kami ng kornik ni Ema at Epa tapos lalagyan ng asukal. Kung bata na ang 3 years old, sigurado naman akong mas bata ako nito. 1994 ako pinanganak at 1997 namatay ang Ema ko. Kaya siguro itong memory na `to, more or less 2 to 3 years old ako. Nakaupo daw kami sa taas. May butaka kami dun. Dalawa. Nakaupo daw si Epa dun sa isa tapos nag-papadulas kami ni Dikong sa isa. Tapos si Ema, magdudurog siya ng kornik sa mortar and pestle tapos lalagyan nya ng asukal. Masarap. Hahahaha. Yon. Hanggang ngayon nai-imagine ko pa din yung lasa nun kahit yun lang ang huling beses na nakatikim ako nun at 15 years na ang nakalipas. :-bd

Cross out what you have done/true.

Appearance
I have/had piercings above the ears.
I want piercings above the ears.
I have many scars.
I tan easily.
I wish my hair was a different color.
I have friends who have never seen my natural hair color.
I want a tattoo.
I can be self-conscious about my appearance.
I have/had braces. (retainers)
I have more than two piercings.
Embarrassment
Disney movies still make me cry.
I’ve laughed so hard I’ve cried.
I’ve glued my hand to something.
I’ve laughed until some kind of beverage came out of my nose
I’ve had my pants rip in public.
I’ve touched something sharp/hot/etc to see if it would hurt.
Health
I’ve gotten stitches.
I’ve broken or dislocated a bone.
I’ve had my tonsils removed.
I’ve had my wisdom teeth removed.
I’ve had chicken pox.
Travel
I’ve been to Florida.
I’ve driven/ridden over 200 kilometers in one day.
I’ve been on a plane.
I’ve been to Colombia
I’ve been to Cuba.
I’ve been to Niagara Falls.
I’ve been to Ottawa
I’ve been to the Caribbean.
I’ve been to Europe.
Experiences
I’ve gotten lost in my city.
I’ve seen a shooting star.
I’ve wished on a shooting star.
I’ve seen a meteor shower.
I’ve gone out in public in my pajamas. 
I’ve pushed all the buttons on an elevator.
I’ve slapped someone.
I’ve kissed someone underwater.
I’ve chugged something.
I’ve crashed a car.
I’ve been skiing.
I’ve been in a musical.
I’ve auditioned for something.
I’ve been on stage.
I’ve caught a snowflake on my tongue.
I’ve sat on a rooftop at night.
I’ve pranked someone.
I’ve ridden in a taxi.
Honesty / Crime
I’ve been threatened to be arrested.
I’ve broken a law.
I’ve done something I promised someone I wouldn’t.
I’ve done something I promised myself I wouldn’t.
I’ve sneaked out.
I’ve lied about my whereabouts.
I’ve cheated while playing a game.
I’ve been in a fist fight.
Death
I’m afraid of dying.
I hate funerals.
I’ve seen someone/something die.
Someone close to me has attempted/committed suicide.
I have attempted suicide.
I’ve thought about suicide before.
I’ve written a eulogy for myself.
Materialism
I own over 5 rap CD’s.
I’m obsessed with anime/manga.
I collected comic books.
I own a lot of makeup.
I own something from Pac Sun.
I own something from Gap.
I own something I got on E-Bay.
I own something from Abercrombie.
I thrive on compliments.
I thrive on hate.
Random
I can sing low key.
I’ve stolen a tray from a fast food restaurant.
I open up to others easily.
I watch the news occasionally or always.
I don’t like to kill bugs.
I sing in the shower.
I’m a morning person.
I’m a sports fanatic. 
I twirl my hair.
I care about grammar.
I love spam.
I’ve copied more than 30 CD’s in a day.
I bake well.
My favorite color is either white, yellow, pink, blue, red, black, purple, or orange.
I would wear pajamas to school.
I like Martha Stewart.
I laugh at my own jokes. (LIKE A FUCKING BOSS)
I eat fast food weekly.
I’ve not turned anything in and still got an A in a certain class.
I can’t sleep if there’s a cockroach in the room.
I’m really ticklish.
I like white chocolate.
I bite my nails.
I’m good at remembering names.
I’m good at remembering dates.
I have no idea what I want to do for the rest of my life.
People
..used to ask if I was anorexic/bulimic.
..called me fat.
..say I’m skinny.
..have said I’m ugly.
..have said I’m pretty.
..have spread rumors about me.
..force me to eat.
..say I eat too much.
..say I eat too little.
Eating
I’ve lost weight.
I’ve gained weight.
I’m at my thinnest.
I’m at my biggest.
I’ve lost weight and kept it off.
I’ve lost weight, but gained it back.
My weight affects my mood. A lot.
I diet. 
I’m vegan/vegetarian.
I exercise.
I’ve fainted from exhaustion.
Family
I’ve sworn at my parents.
I’ve planned to run away from home before.
I’ve run away from home.
My biological parents are together.
I have a sibling less than one year old.
I want kids.
I’ve had kids.
I’ve lost a child.
Relationships
I’m engaged.
I’m married.
I’m a swinger.
I’ve gone on a blind date.
I have/had a friend with benefits.
I miss someone right now.
I have a fear of abandonment.
I’ve gotten divorced.
I’ve had feelings for someone who didn’t have them back.
Someone has/had feelings for me when I didn’t have them back.
I’ve told someone I loved them when I didn’t.
I’ve told someone I didn’t love them when I did.
I’ve kept something from a past relationship.
Sexuality
I’m a cuddler.
I’ve been kissed in the rain.
I’ve hugged a stranger.
I’ve kissed a stranger.
Bad times
I regularly drink.
I can’t swallow pills
I can swallow numerous pills at a time without difficulty.
I’ve been diagnosed with depression at some point.
I have/had anxiety problems.
I shut others out when I’m upset.
I don’t have anyone to talk to when I’m upset.
I have taken/take anti-depressants.
I’ve slept an entire day before.
I’ve plotted revenge.

Day 1: Tell about the best day of your life so far.

Dinagdagan ko ng "so far" dahil ayon kay Homer Simpson, hindi pa naman tapos ang buhay natin at marami pang experiences ang dadating. So... Ano nga ba ang pinaka-"best" day ko so far?
Shit. Ang hirap sagutan sa totoo lang. Ganito naman eh noh. Kapag "worst day" ang tinatanong, may papasok agad sa isip mo, pero kapag pinaka-masaya, na-ba blanko ka na. Pero siguro, kung meron man akong best day, yun yung mga panahong kasama ko si Daddy. Yung buo kami.
Pwede bang one of the best days na lang? Hahahaha. Sobrang hirap kasi mag-isip eh. Kasi `di ba, meron tayong masasayang araw kasama ang barkada, ang lovelife, etc. etc. Kaya itong ishe-share ko eh ay isa sa mga best days ko kasama ang pamilya ko.
2009. Nag-celebrate ako ng birthday nun kasama ang mga kaibigan ko at nagpunta kaming Robinson's para bumili ng heels na gagamitin ko sa kasal ng pinsan ko sa Baguio. Nung uuwi na kami, sobrang lakas ng ulan at sobrang basang-basa ako nung pag-uwi ko. Kinabukasan, nilagnat ako. As in hindi ako makabangon sa higaan dahil killer migraine ang mga nangyayari sa ulo ko.
Nagpa-doctor ako. Pero hindi din alam ng pediatrician ko kung bakit. (HAHAHA) Nagpunta kami sa albularyo at nalamang na-nuno pala ako. Syempre, sobrang saya ko dahil makakasama ako sa Baguio at pwede akong mag-abay.
August 13. Umakyat na kaming Baguio. Hindi ko alam kung 12 or 13 basta alin sa dalawa. Kasama ang buong Mendoza family dahil kasal nga ng pinaka-matanda naming pinsan.
Isa sa mga memorable nights ko dun ay ike-kwento ko sa Day 8. Hahahaha.
Tapos August 15, 2009. Wedding Day. Abay kami ni Kuya at Ninong si Daddy-yo. Mga naka-formal kaming lahat at pati si Mommy naka-dress at sila Dikong ay naka-suit.
Sa Baguio Cathedral ang kasal. Sobrang bongga. Parang magical nga eh. Tapos after ng ceremony, sa Baguio Country Club naman ang reception. Ang bongga. As in. First time kong makapunta sa ganung occasion. Hahaha. #inosente
Tapos after nun, sobrang saya. Kasi picture-picture, etc. etc.
Yan ang first family picture namin na matino. Hahahaha. Kaya nga siguro memorable sakin ang araw na'to kasi may family picture na din kami sa wakas! =))))
Yon ang isa sa mga best days ko. Ay teka... parang isang linggo yun ah? HAHAHAHAHA. =)))))))

Challenges.

(source)
source

2.27.2012

Mga tao.

Ako kasi yung tao na sobrang hilig byumahe. As in. Hindi ako nagrereklamo na napapagod na kong bumyahe, etc etc. Siguro kasi hilig kong makakita ng mga iba't ibang uri ng tao. Iba't ibang antas ng kahirapan at kaginhawahan ng tao.
Sa araw-araw na pag-byahe papuntang CLSU, halos nakita ko na ang lahat ng uri ng Pilipino. Ang iba o ang mga madalas kong makita ay ang mga:

  1. Estudyante. Isa na ako diyan. Kami yung mga pumapasok dahil gustong naming maging proud ang mga magulang namin samin at pati na ang sarili namin. Kung isa kang estudyante, apir.
  2. Mga bumabyahe. Sila yung mga taong laging may dalang malalaking bag. Hindi ko alam kung ano sila pero lagi silang may bag na malaki.
  3. Mayayaman. Sila yung mga may magagarang kotse at magagandang bahay na may pangalan kung ano ang natapos sa harap. Sila yung mga angat sa buhay dahil pinanganak na silang mayaman o nagsikap sila para marating ang mga pangarap nila.
  4. Masisipag. Sila yung mga gising na at nagta-trabaho na kahit madaling araw pa lang. Yung mga jeepney drayber, sikyo, gasoline boy, magsasaka, magta-taho, atbp. Sila yung mga taong kahit sobrang hirap ng buhay, tuloy lang sa ginagawa nila. Walang reklamo. Iniinda ang kahit na anong bagyo.
  5. Vendors. Dalawang uri yan. Yung mga nakaupo at gumagalaw. Masisipag din sila pero hindi nga lang kasing sipag (para sakin) katulad nung mga moving vendors kasi nakaupo lang sila at nagtitinda. Pero hanga ako sa mga kariton vendors - fishball, kwek kwek, Selecta, dirty ice cream, balot, atbp. Sila yung mga kahit tirik na tirik ang araw, tuloy lang sa pagtulak at pag-drive ng mga tinda nila.
  6. Namamalimos. Hindi naman sa demonyo ako, pero ayoko talaga silang binibigyan. Minsan kasi, nung naglalakad kami ni Jorenn papuntang Mega galing Melanio's, may isang binatilyong estudyante na nanghingi samin ng pamasahe. Binigyan namin ng bente. Tapos after 2 days, nung nagpunta si Mommy sa Mega, may nanghingi din daw sa kanyang binatilyo na kamukha ng description ko. Kaya nadala na ako. At chaka yung ibang bata kasi, sa sindikato lang. At chaka yung pagkain naman na binili ko, inipon ko lang din yun sa baon ko. Hindi ko naman sinisisi yung mga bata kung bakit ganun yung buhay nung mga bata, pero may problema ako sa mga magulang nila. Mag-aanak ng marami tapos iiwan lang naman sa kalye. Mga walang puso.
  7. Syempre, kung may masisipag, andiyan din yung mga tamad. Pero hindi ko naman silang masasabing tamad dahil hindi ko naman sila kilala. Pero ayon sa obserbasyon ko, may mga taong tamad na nakikita ko araw-araw. Isa na diyan yung mga taong umaga pa lang, manok na agad ang hawak. O kaya naman e nakaupp na agad sa harap ng bahay nila at may hawak na kape at nakikipag-bidahan na. Minsan nga, may nakita akong may Red Horse ng hawak. Yan yung mga taong akala mong sobrang sisipag at todo reklamo sa goyerno. Yung mga squatter na akala mong sa kanila yung lupang tinitirikan ng mga bahay nila na akala mo kung mag-reklamo sa gobyerno eh alam nila yung mga nirereklamo nila. Hindi ako pro sa gobyerno, mahirap lang din kami at damang-dama din namin ang hirap dito sa Pilipinas. Pero kahit na sobrang hirap, alam namin na buo ang katawan namin. Na may kamay, paa, mata, pandinig, at utak kami. Sa araw-araw na pag-byahe ko o minsan sa balita, dito ako inis na inis. Naiinitindihan ko na mahirap sila. Naiintindihan ko na wala silang pagkaen. Pero hindi nila dapat isisi sa gobyerno ang katamaran nila. Pinahiram sila ng Diyos ng katawan para maabot ang pangarap nila. Hindi para mag-anak ng sangkatutak at maghintay ng grasya. Hindi dadating ang grasya kung wala kang kusa. Nasa Diyos ang awa, pero nasa tao ang gawa.
Gusto ko talaga mag-Psychology o Anthropology nuon. Hanggang ngayon naman. Pero tulad nga ng sabi ko, salat din kami sa buhay at may mga bagay na mas importante kesa sa mga gusto ko. At chaka pwede naman akong magpahayag ng mga obserbasyon ko kahit dito lang sa blog ko. :-bd

February 26, 2012.

Ayun, umalis kami kahapon kasi tinreat at nilibot namin yung mga pamangkin ko. Supposedly, dapat sa Manila Ocean Park. Pero dahil sooobrang daming tao. As in sooobra, nagpunta na lang kaming MoA and Manila Zoo.
 Dapat isa sa Champion Brights ang bibilin ko. Probably Orange or Blue Mallard. Pero... walang available. </333 Kaya Champion Spring in Rifle Green na lang ang binili ko. Yes. Dark green yan. Mukha lang blue green. Hahahaha. =))))
Look! Ang cute nyan. Pang-baby. As in sobrang liit at napaka-cute! :"> Nahumaling tuloy ako sa oxford shoes! Nako. Next on my list yan! :p
Tapos nung pagkatapos ko kumaen at sila Mommy ay hindi pa, naisip kong surprise-in si Jorenn! Gusto ko sana bumili ng capo na gusto niya. Yung pang banjo. 
Ayan yung apat na music stores sa MoA. And as you can see, hiwa-hiwalay sila. Lahat na yan pinuntahan ko! Pero wala talaga nung gusto ni Jorenn. :(
Tapos nagpunta nga kaming Manila Zoo at tanging gusto ko lang makita ay ang lions. Pero wala pala. Tangina lang. Hahahaha. Pero ok lang naman kasi Php40 lang ang entrance fee.
 Sorry for the low quality! Hindi ko kasi nahiram yung camera ni Jorenn kasi nag-punta silang Vigan for 3 days kaya nagka-salisi kami ng uwi. :(
 Pretty peacock.
Dumbo. Hindi yun name nya. Yun lang gusto kong itawag sa kanya. ;)
Tapos kumaen kami sa McDo (as usual) ng Harrison's Plaza. Tapos nagpunta kaming SM Dept. Store kasi bumili si Mommy ng clutch bag. Nung mga oras na yon, napag-desisyunan kong bilhan na si Jorenn ng capo kahit na hindi yung hinahanap nya yung bilin ko. Pero nung nagtanong naman kami sa guard, wala daw siyang alam na music store.
Nung pagbaba namin sa sasakyan, umihi muna yung mga pinsan ko. Kaya tumambay muna ako sa van. Eh nakabukas yung bintana, napalingon ngayon ako sa kaliwa. Tapos nabasa ko yung isang store. Isang malaking,"JB Music and Sports" yung nakita ko. Bigla akong tumakbo sa papalabas ng sasakyan. Hahaha. Eh naalala ko, wala na pala akong perang dala. Kaya sabi ko muna kay Kuyang taga-JB Music, saglit lang. Takbo ulit ako papalabas at nagtanong sa guard kung saan may ATM Machine. Sa taas pa daw. So takbo ako papataas. Tapos nung andun na ko, may pila pa. Hahaha! Hanep. Tapos hapon na nun. Mga 5pm na kaya uuwi na kami at ako na lang hinihintay. Kaya nung nakakuha na ako, takbo ulit ako pababa. Sira pa yung escalator! Puta lungs.
Pagdating ko sa store, pinagtatawanan ako ni Kuyang taga-JBMusic. Bakit daw ba ako nagmamadali.
Tiny: Eh taga-Cabanatuan po kasi ako. Uuwi na po kami, iiwan na nga po ako eh! Kaya pakibilisan kuya. =)))
Kuyang taga-JBMusic: Eh iwan niyo na din po yung number niyo dito Ma'am. Hahaha. Joke lang po. =))
Tiny: Kung maka-pickup line si Kuya! Patay don. =)))
Tapos pinagtatawanan nila ko kasi handang handa na kong tumakbo kapag naibigay nila sakin yung binili ko.   Eh napaka-dami pa nilang proseso, kaya tawa sila ng tawa. Kaya nung pagkuha ko, nag-babye at nag-thank you na agad ako at tumakbo. Hahahaha. =))))))
Yon. Sobrang kapagod at masaya! Sana sa susunod si Jorenn naman kasama ko lumibot. :">

2.23.2012

Mga simpleng bagay na nakakapag-pasaya sakin.

  • Pagbabasa. Masasabi kong nakuha ko yung hilig ko sa pagbabasa nung bata pa ko dahil sa Kuya, Daddy, at Mommy ko. Sobrang hilig nila mabasa. Kahit pupunta sa banyo, magdadala pa ng libro si Daddy. Hahaha. Kaya sinubukan ko din basahin yung mga libro sa bahay namin. Tapos yung kaibigan ko naman na si Dags, sobrang hilig din nya magbasa. Tapos sa kanya ko nalaman na hindi hadlang yung walang pambili para makabasa ng libro. Sa kanya ko natutunan ang mundo ng e-books. Haha! Yon. Kaya ngayon, 80% ng mga librong nabasa ko, via e-books.
  • Music. Siguro, base sa mga posts ko dito, napansin niyong sobrang hilig ko sa mga banda. At sa totoo lang, yung laman ng mp3 player ko puro ganun yung laman. Pero kahit ano namang genre, gusto ko basta maganda. Hindi naman ako bias. Pero pagdating kay Justin Bieber, wala.
  • Mag-kwento. Sobrang masarap mag-kwento. Lalo na kapag alam mong may mga tao na bibigyan ka ng oras para makinig at magbasa. Lalo na kapag alam mong may mga taong nakaka-appreciate ng mga sinasabi mo.
  • Magpatawa. Para sa isang taong gago na tulad ko, makita mong tumatawa ang mga tao dahil sa sinabi mo ay isa sa mga sobrang nakakapang-alis ng hinanakit sa mundo. Pramis. Kung natutuwa sila dahil sakin, ako naman natutuwa kapag nakikita ko silang natutuwa sakin. Mutualism.
  • Seeing my loved ones happy. Eto walang ka-plastikan to. Sa isang tao na sobrang nakaranas ng pangit sa mundo, sobrang big deal sakin na makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Lalo na sa Mommy ko. Gusto ko lagi siyang masaya. Ganun din naman sa mga kaibigan, kapamilya, kay Jorenn, at sa iba pang mga tao na nasa puso ko.

2.22.2012

Iba talaga.

Yung tipong pagpasok ko sa NEUST, wala. Iba yung feeeling. Kahit wala pa kong 10 minutes sa loob, parang... Alam mo yung tipong pagkatapos mong umalis ng matagal tapos uuwi ka tapos ma-rerealize mo na sobrang mong na-miss yung inuwian mo? Na sa sobrang miss mo, eh parang ayaw mo na umalis ulit? Yun yon eh. Yun yung naramdaman ko. Sa NEUST, alam mong at home talaga. Basta! Iba talaga. Kaya `wag ka mag-alala, babalikan kita! :-bd

February 22, 2012.

Dahil tinanghali ako ng gising dahil hindi ako nakatulog agad kagabi sa ka-excite-an ko, ayun. Hindi ako nakapasok. Hahaha! Kaya inaya ko na lang si Jorenn sa 7-11 para tumambay. Kain kain din. Inom Big Uhaw. Kwento-kwento. Tapos...
Nag-aya sa Dunkin' Donuts! Susyal noh? Hahaha. Mainit daw kasi sa 7-11 at maaraw. =)) Inom inom kape. Kain kain ng muffin. Kwento-kwento din. Tagal naming nagbibidahan! Hahaha. Dami din naming nakitang high school student at takang-taka kami kung bakit parang walang pasok. Nun pala may practice daw dapat ng Mass Demo nila. XD
Tapos eto namang si Pat, eh may kukuning quiz sa teacher nya sa English nung 9:30 tapos 1pm na ulit yung klase nya. Eh hindi naman ako uuwi, kaya sabi ko punta na lang siya ng Dunkin'. Ni-libre kami ng donut ni Jorenn. XD
Bida-bidahan din. Tapos tinext ni Pat si Jeng. Ayun, nagpunta din. Kinaen nya yung donut namin. Hahahaha. =))) Kwento-kwento tungkol sa school at courses.
Tapos biglang 12pm na pala. Bago umuwi, dumaan ako sa NEUST! Tuloy-tuloy lang ako sa gate tapos hindi ako napansin ng guard kasi naka-ID ako. XD Nakita ko din si Ma'am Aya. Hahaha. =)) Nakita ko din Daddy ni Jorenn! :-D
Ayun, tapos umuwi na din. Saya lang! Worth it yung hindi ko pagpasok. Panalo eh. =))))))) :-bd Apir apir! Goodvibes everyone! Rakenrol. :-bd \m/

2.21.2012

We'll be renovating kaya...

GIF PARTY!

Thank you Lord! THE BEST PO KAYO! Couldn't ask for more. :') \m/

Pera.

Bakit ka nag-aaral ngayon? Bakit ka pumapasok? Bakit gusto mo makakuha ng magandang grades? Bakit ka nagpapakahirap gumising ng maaga para hindi ma-late sa eskwela? Sagot? Pera.
Sinong tao ang ayaw yumaman? Kahit na sabihin mong ayaw mo yumaman at gusto mo lang maging sakto yung buhay mo, sigurado akong ayaw mong maging mahirap. Sinong gago ang nag-aral ng mahigit sampung taon at ayaw magkapera? Sinong tao ang pag-aaralin ang anak nya at ayaw makitang yumaman ang anak niya? Wala. Siguro meron nga, pero siguradong akong halos lahat ng tao, ganyan.
Money makes the world go round. Gago ka kapag sinabi mong pag-ibig lang ang kailangan mo sa mundo. Oo, ang sama naman ng ugali ko para sabihin to. Pero mapapakain ka ba ng pag-ibig mo? Mabibigyan ka ba ng magandang bukas sa pag-ibig mo? Mabibili ba ng pag-ibig ang mga gusto mo sa buhay? Bakit, kaya bang pakainen ng pag-ibig nyo ang magiging pamilya niyo? Hindi.
Ang pangit man pakinggan at ang pangit man isipin, pero kaya may nakikita kang tao sa araw-araw, ay para kumayod at magkapera. Gago ka kapag hindi mo sinali ang pera sa mga pinaka-importanteng bagay sa buhay mo.
Anong punto ko dito? Gusto ko lang sabihin sa inyo na sa sobrang pagkamit ng tao sa pera, sobrang daming problema na din ang dumadating satin. Bakit nagkakaroon ng mga landslide? Dahil sa mga nagpuputol ng kahoy kahit bawal dahil gusto nilang magkapera. Bakit may mga politikong nangungurakot? Dahil nasilaw sila sa pera. Bakit nagpapatayan ang mga tao? Dahil sa pera. Bakit tayo may mga OFW na sobrang nagpapakahirap sa ibang bansa at yung iba pinapatay pa? Dahil gusto nilang mabigyan ng pera ang mga mahal nila sa buhay.
Ako, inaamin kong kaya ako nag-aaral dahil gusto kong mabili lahat ng gusto ko balang araw. Pero kasabay na din ng paghangad ko ng mga bagay, gusto ko din na maging proud sakin ang mga magulang ko. Gusto kong mabigyan ng magandang bukas ang magiging pamilya ko.
Okay lang na maghangad ng pera at tagumpay sa buhay. Isa sa mga nature ng tao yun. Hindi mo maaalis sa sarili mo na maghangad ka ng pera. Pero `wag nating paikutin ang mundo natin don.

“That’s sad. How plastic and artificial life has become. It gets harder and harder to find something…real.” Nin interlocked his fingers, and stretched out his arms. “Real love, real friends, real body parts…” ― Jess C. Scott, The Other Side of Life
“Nin knew how much humans loved money, riches, and material things—though he never really could understand why. The more technologically advanced the human species got, the more isolated they seemed to become, at the same time. It was alarming, how humans could spend entire lifetimes engaged in all kinds of activities, without getting any closer to knowing who they really were, inside.” ― Jess C. Scott, The Other Side of Life

On cover artists.

Hindi talaga ako fan ng mga taong sumisikat ngayon dahil sa pag-cover nila ng mga kanta ng ibang artists. Kasi para sakin, ang unfair naman na sumisikat sila ng dahil sa kanta ng iba and minsan nalalait pa yung original artists because of them. And isa pang reason para sa sarili ko eh yung kapag kasi may favorite kang song ng isang singer or band, parang para sa'yo siya o sila lang yung may karapatang kumanta ng kanta na yon `di ba? Hahaha. =))))
Pero nung narinig ko talaga yung cover ng Boyce Avenue sa We Found Love (Oo, ako na ang huli sa balita. Lol.), wala na... Instant fan.
And ngayon, oo ngayong oras na'to (Hahaha), na-realize ko na siguro may mga ibang tao talaga na ganito yung kapalaran nila. Na sumikat by singing other people's songs. At alam ko na kahit sikat yung iba dahil sa pagkanta ng covers, gusto pa din nilang sumikat based on their own songs pero dahil nga sa eto yung mabenta at mapapakinggan sila, eto na lung yung gagawin nila.
Kaya ngayon, wala na kong masasabi against sa kanila. Hahaha! Lalo na kung maganda at magaling naman yung pag-cover nila. Music is still music. Kahit na si Justin Bieber pa yan, kung may mga taong nakaka-appreciate sa kanya at sa mga kanta niya, music is still music. May kanya-kanyang genre lang talaga na gusto ang mga tao. Kanya-kanyang trip, kaya walang basagan.
Note: Hindi ko sinabing gusto ko na kay Justin Bieber. Ayoko pa din sa kanya.

2.20.2012

Inuman Sessions Vol. 2

Alam ko sobrang liit ng probability na manalo ako sa pa-contest ng Parokya ni Edgar, pero I'm still going to give it my best shot. Once in a lifetime lang `to eh. Sabi nga sa lyrics ng kanta nilang Akala,"`Wag kang matakot na baka magkamali. Walang mapapala kung di ka magbakasakali. Dahil lumilipas ang oras, baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan." Positive vibes na lang parati. \m/
(PROOF THAT I VOTED IN Myx Philippines website)






(PROOF THAT I VOTED IN Twitter)






(PROOF THAT I VOTED IN Myx Philippines Facebook Page)
NOTE: The difference between the Myx website and the Facebook application is that the Facebook voting page uses a green check mark to show which artist you voted for.







Kung nagtataka kayo kung bakit may screenshots, para makasali kasi sa contest nila, kailangan mo lang i-screenshots yung proof na bumoto kayo sa Myx, Facebook at sa Twitter. Then i-comment nyo lang yung link sa comment nila sa fan page nila sa Facebook. Kaya sumali na din kayo para kung sakaling manalo kayo, bibigyan niyo ko ng isang ticket. Hahahaha! De, joke. :p
So yon! Sana mabasa nila `to. Kahit na mediyo nakakapanghina ng loob dahil milyon ang fans ng Parokya Ni Edgar, nananalig pa din ako. Hahaha. It's worth the try. Positive vibes pa din! Goodluck sating lahat! Apir apir! \m/

With A Smile by Eraserheads.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
I'll get by if you smile
You can never be too happy in this life.
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

2.18.2012

Panahon man ay lumipas.

Ang sarap ng pakiramdam na may kaibigan ka na kahit sobrang tagal niyo ng hindi nag-uusap, hindi nagkikita, pero kapag nagkaron ng time na mag-usap kayo, wala na. Umiikli na yung gap at parang wala na yung matagal niyong hindi paguusap.
Yung tipo bang walang awkwardness. Wala. Kapag nag-usap kayo, puro kautuan na ulit. Wagas na ulit. Panalo eh. Yan yung mga taong kailangan mong itago hanggang dulo.
Kaya masasabi ko sa inyo na, isa sa mga hindi mananakaw sa isang tao ang tibay ng samahan at tunay na pagkakaibigan. :-bd

Tweets.

Yung post ko before ito, mga tweets ko yun kagabi na pinagsama-sama ko. Malungkot kasi ako kaya naisip kong mag-kwento. Sa Tweetitow ko lang sinend yun dahil hindi ako makapag-blog kagabi kasi hindi ako makapag-net. Yun nga, kinwento ko lang yung mga bagay na na-oobserbahan ko sa araw-araw. Yung mga bagay na nangayari sa buhay ko.
Kaya naman yung masasaya yung mga kinwento ko kasi, wala namang ibang solusyon sa kalungkutan kundi kasiyahan di ba? Ako, kaya ako nag-ba blog, nag-papahayag, at nag-ku kwento tungkol sa buhay ko dito man  o sa Twitter at Facebook, dahil gusto ko makapagsaya ng ibang tao. Yung matawa sila sa mga naiisip ko, sa mga nangyayaring masaya sa buhay ko. Gusto kong mai-share sa kanila. Spread the love, eka nga. Gusto ko na malaman ng ibang tao na pwede ka magpahayag ng opinyon mo, `wag ka lang makakasakit ng ibang tao.
Kaya sobrang natutuwa ako kapag may nag-p pm sakin na kaibigan, ka-eskwela, o kahit sino man na nagsasabi na na-aappreciate nila ako. Tulad nga sa sinabi ko sa isang post ko ngayong araw, yang ganyang mga bagay ang nagbibigay inspirasyon sakin para patuloy na mag-kwento, mag-pahayag, at mag-bigay ng saya sa iba.
Salamat po! Maraming maraming salamat po! :-bd \m/

Jeepney moments at iba pa.

Mami-miss ko magsabi ng,"Boss, CL." Tapos mami-miss ko din yung sasabihin nila na,"Kaaga mo naman pumapasok." Tapos sasagot naman ako ng,"Kayo din naman po." Tapos magku-kwento na sila ng buhay nila. Yung anak nila, graduate na. Na pinag-aral nila sa ganito, ganyan.
Meron ngang isa, pinray-over ako. Isang oras yon. Mula Cab hanggang CL.Naramdaman siguro na masamang damo ako kaya pinangaralan ako ng pinangaralan.
At chaka yung mga magta-taho! Yung bwenomano ako kasi papunta pa lang sila sa bebentahan nila, bibili na ko.Tapos magugulat yung ibang pasahero na pwede na palang bumili kaya maiinggit sila kaya bibili na din sila. =))
Naranasan mo na bang makatulog sa jeep dahil sobrang pagod mo tapos nasandal na yung ulo mo sa katabi mo na hindi mo kilala? Hahahaha. #guilty Tapos dapat bababa ako sa Melanio's, eh bangag nga. Dun ako bumaba sa Bread Fun... Sabi ko pa,"Ay, inalis na pala yung Calle Dos." Tapos pagdating ko sa kanto, NEUST. =))))))))
Tapos meron akong nasakyan na jeep, eh sa harapan ako umupo. Nung malapit na kami sa crossing, inalis na nya yung plakard nya. Eh ako na lang yung tao, natakot ako ngayon. Nag-fo formulate na nga ako ng paraan kung pano ako tatalon sa jeep. Tapos nung nasa Araullo na kami, eka ni manong,“Pate, baba na kita dito ha. Eto pamasahe mo. Ang sakit kasi ng tiyan ko eh.” Tae naman talaga. =))))))))
Masarap byumahe araw-araw. Minsan nakakainis din kasi makikita mo yung ibang tao, kaaga-aga eh bidahan na agad. Yung mga taong naka-talungko na agad sa harapan ng bahay nila tapos hindi pa sumisikat yung araw? Samantalang yung mga jeepney drayber, alas tres pa lang naligo at nakapag-kape na at namamasada na. Tapos sila pa yung mga taong malakas mag-reklamo sa gobyerno na bakit ang hirap nila. Bakit kaya hindi nila tanungin yung mga sarili nila ng malaman nila yung sagot.
Mag-a Anthropology na lang ako! Hahaha. =))))))

Tapos nakikipagtalo naman ako nung isang araw sa pinsan ko kung saan nakalagay yung ChicBoy.
Mayabang pa ko eh.
Tiny: Sa tapat ng bus stop yun! Araw araw kaya ako dumadaan dun. Duh?
Pinsan: Tange. Katabi ng Petron yun!
Tiny: Hindi! Bakit naman nila tatapatan yung Jollibee, duh?
Pinsan: Sige, tingnan mo bukas.
Kinabukasan...
Pinsan: Oh asan na yung ChicBoy?
Tiny: Eh lumipat na pala sila kanina dun sa tabi ng Petron.

Mami-miss ko din yung ibang jeepney drayber na nagagalit sakin kapag nalaman nilang araw-araw ako namamasahe. Kagastos daw.Sasagot naman ako ng,"Eh lilipat na lang ako sa ibang jip manong. Kahiya naman ho." Tapos sasagot naman sila ng,"Joke lang. Ikaw naman, di ka na mabiro." =))))))

Sarap sa pakiramdam.

Bigla na lang may tatawag sakin ng,"TinyPunySmall!" Hahahaha. Katulad nung nasa Open House ako, yung ka-dorm ko dati (sa ibang room), nung nakita ako bigla na lang akong tinawag sa blog name ko. Hahaha!
Nakakataba lang kasi ng puso na may mga taong nakaka-appreciate ng laman ng utak ko. Tapos nung minsan naman, nag-wall post sakin yung blockmate ko na ang ganda daw ng blog ko. Tapos minsan, umaabot ng mahigit 100 yung pageviews ko.
Alam mo yung tipong... nagkakaroon ako ng inspirasyon para sumulat ng magaganda at interesadong bagay para sa mga taong nagbibigay ng oras na para basahin ang laman ng blog ko.
Tapos nung minsan din, si Belle naman (highschool friend at kapitbahay) ang nag-wall post sakin na nakakatuwa nga daw yung blog ko at in-advertise pa niya.
Ang sarap kasi sa pakiramdam na may mga tao pala jan na bibigyan ka talaga ng oras kahit sandali para intindihin yung mga saloobin, hinanakit, at opinyon mo sa mga bagay-bagay sa buhay mo.
Kaya sa inyong lahat, maraming maraming salamat po! :-bd Rakenrol tayo! Apir apir. \m/

2.17.2012

2012.

Aaminin ko, 2011 was not a good year for me. Pagpasok pa lang ng 2011, sobrang nami-miss ko na agad yung 2010. Sobrang ganda kasi ng 2010 para sakin. In terms of lovelife, family, friends, school, lahat. Yun nga, dun naging kami ni Jorenn, prom, first months ng fourth year sa high school, gala kasama ang mga kaibigan, hindi kami gipit, nakaalis na si Kuya papuntang Saudi at may stable job na siya... kaya nung pagpasok ng 2011, parang naramdaman ko na agad na hindi ko talaga feel. Sa lovelife, ilang beses kaming nag-away ni Jorenn na almost nag-break na kami, peer pressure, adjustment sa school... madami pang iba. Then yun nga, death ng Daddy ko, nawalan ako ng inspiration sa pag-aaral na I was almost at the point na ayaw ko na talaga. Wala na eh. Wala na yung isang tao na inaalay ko lahat ng paghihirap ko. Nawala talaga sa alignment yung buhay ko nung 2011.
Then something changed. Kasabay ng pagbabago ng taon, onti-onti akong bumangon ulit. Siguro, ang una kong step na ginawa ay yung tanggapin yung reality na wala akong magagawa kahit anong gawin ko but to stand up again and fight. Acceptance. Sobrang hirap gawin niyan, sinasabi ko na sa inyo, para sa isang tao na nawalan ng sobra. Pero kahit nga gaanong kahirap, tinanggap ko.
Kasabay naman ng pagtanggap ko sa mga napakaraming bagay sa buhay ko, kasabay din ng mga bagay na masasaya na nangyari at dumating sa buhay ko. New Year, two years na kami ni Jorenn, mga advice from friends, alam nyo na yun... Basta halos lahat ng mga post ko this year, masasaya.
Isa pa sa mga magandang ginawa ko sa buhay ko ngayon ay yung pag-sort out ko ng priorities. From my previous posts, nalaman ko nga na mahirap humanap ng mga taong sasabay sa'yo hanggang sa dulo ng buhay mo, at bahala ka na kung sino ang pipiliin mo.
Shet, umiiyak na naman ako. Hahaha. Isa pa yung sa CLSU. Hindi man kami naging compatible ni CLSU, masaya ako na sinubukan ko. Proud pa din ako sa sarili ko na sinubukan kong abutin ang isa sa mga pangarap ko. Although hindi nga kami para sa isa't isa, alam ko na baka naging pinto ito para may dumating na mas bagay at mas kailangan ko.
Tungkol naman kay Daddy, at least hindi na siya nahihirapan dito. Hindi na siya nahihirapan mag-welding, mag-antay ng magpapagawa, hindi na niya kailangan problemahin yung pang-tuition at pang-baon namin. Kung dati, syempre malungkot ako. Pero ngayon, sobrang masaya ako kasi kasama na niya si God at wala na siyang paghihirap ngayon. At alam ko na ganun din sila Mommy, Kuya, at Dikong.
At higit sa lahat, naging mas matapang ako. Tangina. Umiiyak ako. Hahahaha. Sheeet. Kung matapang ako noon, maipagmamalaki ko sa inyo na mas naging matapang at matatag ako ngayon. Sa lahat ng problemang pinagdaanan ko nung 2011, natutunan kong tanggapin sa sarili ko na obstacles lang yun ni God para sakin at natutunan kong tingnan yung positive side ng mga negative na nangyari sakin.
Maraming maraming salamat po Lord. Sa likod ng bagyong pinagdaanan ko, alam kong magkakaron din ako ng bahaghari. :-bd

25th Monthsary. ☼

Malupet ang celebration namin ng ika-25 months namin dahil imbis na mag-date kami, eh nagpunta kaming school para mag-ayos ng mga... nuisances.
Ang saya sa jeep nung papunta kami! Hahaha. May tatlo kasi kaming nakasakay na nurses, tapos may sumakay na lola na sobrang daldal. Tapos kwento siya ng kwento, na nadapa daw sya nung isang araw kaya dun siya uupo sa dulo, na bawal na daw mag-aral ng nursing dahil wala naman daw nakukuhang trabaho. Eh yung tatlong nurses na kasabay namin, puyat. So syempre, bangag sila. Kaya ang lalakas ng trip. Tawa sila ng tawa tapos jinajamming nila si lola kaya kami namang ibang pasahero, natatawa sa kanila. Hahahaha. =))))
Then nung nasa school na kami, hunting naman ng mga professors. Thank God nandun silang lahat kahapon! Tapos hinahanap ko kasi si Dra. Rafael, eh hindi ko kasi siya kilala. Tapos may isang lalaking student na kausap yung isang teacher na nagpapa-check siya ng thesis. Tapos na-feel ko na baka si Ma'am nga yun. Kaya nung pumasok na siya sa loob, tinanong ko si Kuyang estudyante kung si Ma'am Rafael nga yun. Oo daw. P.S. Ang pogi niya. HAHAHAHA. =))))
Tapos yung isang teacher naman ni Jorenn na nasa RSTC daw. First time kong pumunta dun, tapos ang ganda pala! Here are some shots in the RSTC building. (Click all photos for a better resolution please! ☺)
Tapos pagkatapos nun, balik na naman kami sa CAS main. At alam nyo ba kung gaano kalayo yun? Parang NEUST to Mega lang naman at higit pa. Hanep. Kaya sobrang nakakapagod.
Pagpunta namin dun, sarado naman yung CAS Registrar kaya hintay hintay pa ng onti. Tapos andun si Kuya Nine (Vet na nagtitinda ng LactoChoco sa school), tapos nung nalaman niya na mag-ta transfer ako, ekang ganun,"Walang LactoChoco sa NEUST!" Hahahahaha. Sira ulo talaga si Kuya Nine. =)))
Nung nakapagpapirma na kami, sa Dean's Office naman. Tapos kailangan pa din muna maghintay bago makuha yung papapirmahan sa Dean. So habang naghihintay kami, nag-picture picture muna kami. Hahahaha. Here are some of our photos:
Hello. I LOVE YOU!
Tapos pagkatapos namin magpapirma sa Dean, sa Admin naman yung kasunod. At alam nyo ba kung gaano kalayo ang CAS Main building hanggang Administration building? Mga mula NEUST hanggang palengke? Hahaha. Hindi ko alam. Basta malayo. Dahil nasa main gate ang Admin tapos nasa second gate yung CAS, oh `di ba? Parusa. Hahahaha.
Tapos nung nakapagpapirma na din sa Administration building, babalik naman kami ngayon sa Office of Admissions para i-submit ang mga pinapirmahan namin. At alam niyo ba kung gaano kalayo yun? Parang CAS to Admin din pero mas malayo ng konti yung OAd sa CAS, kaya mas malayo pa ang lakarin.
Tapos ayun, pagkatapos namin sa OAd, problem-free na kami! Yeheyyy! Kaya nag-celebrate na kami ng monthsary namin. At ano pa nga ba ang best and cheapest way to celebrate? Street food!
Squid balls ko at kikiam niya (@jorenndm). :-bd
Fried siomai! Saraaaaap.
Sawsawan ng siomai. Masarap yan noh! Hindi lang siya basta toyo. =))
Busog! :-bd
Sobrang gutom kami dahil as in nalagas na yata lahat ng fats ko kahapon. Hahahaha. =)))) Pero worth it naman kasi wala na kaming problema! Yaaaay! Apir apir! Goodvibes ka talaga February! \m/ I love you! >:D<

2.16.2012

Expected.

De, seryoso. Noon pa man, alam ko na na dadating yung time na'to. Well, sabi nga ng mga kaibigan ko, hayaan ko na lang daw at ganun talaga kapag magaling. Chos! Hahaha. Pero seryoso. Sobrang inaasahan ko na'to talaga. Na sa sobrang inaasahan ko, nakapaghanda na ako ng bongga. XD
Sobrang prepared ako like shet. Hahaha. Sabi ko nga sa mga past posts ko, inalam ko ng mabuti kung ano  at sino ang priorities ko, kung sino at ano ang mahahalaga. Kaya yang mga ganyan? Wala. Pinagtatawanan ko lang yan. =)))) Pero minsan hindi na nga nakakatawa, naaawa na ko minsan. Yung tipong, shet. Ganyan ba talaga kawalang buhay ang buhay niya? Di ba? =))))
Wala lang. Shineshare ko lang sainyo ang isa sa mga comedy sa buhay ko. XD Tangina. =))))))

2.15.2012

Panaginip No. 2

Nanaginip ulit ako kagabi at tungkol ulit siya sa buhok ko. Hahahaha. Nung daw turn ko na para gupitan, hindi ko daw makita yung photo na may gusto kong hairstyle sa phone ko! XD
So ano ba? Sign ba ito talaga na `wag na kong magpagupit? HAHAHAHA. So hindi na talaga ako magpapagupit. Nakakatakot! =))))

2.14.2012

Sa mga single.

Masaya ang buhay kaya mabuhay kang masaya. Ang daming taong humihiling na sana mabigyan pa ng isang araw ang mga mahal nila sa buhay. `Wag mong sayangin yung buhay mo dahil swerte ka. Kaya kahit nag-celebrate kang mag-isa ngayong Araw ng mga Puso, `wag kang malungkot dahil at least nakapagcelebrate ka! Magpasalamat ka. Swerte mo na may internet at computer ka. Na may cellphone at nakakapag-aral ka. At may pagkain sa la mesa.
Inuulit ko! HAHAHAHA. Kulet. XD Sabi nga ni Doraemon,"Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya." :-bd

Valentine's! ❤☂

Kahit gloomy ngayon araw na'to, Jorenn managed to make my day bright! At ano nga ba ang pangpasaya ng araw ko? Syempre food! Hahahaha. :p Kahit out of way yung Pacific at kahit sobrang layo, nagpunta pa din siya para bilin lahat ng paborito kong food. It's our third Valentine's together this year!
(CLICK THE PHOTOS FOR A BETTER VIEW. ☺)
 California maki with lots of love!
 Yakult milk tea. Favorite. :p
 Nagulat ako dito! Hahaha. Dun sa mashed potato at chaka coleslaw.
Chicken McNuggets.
And to think na isa-isa nya yan binili sa bawat stores. Hahahaha. Tapos ang dami pa daw tao kanina sa mall. Kaya sobrang thank you Babe! I LOVE YOU SO MUCH! Happy Hearts Day! :* ♥