2.11.2012

Kung ayaw mo, huwag mo.

Pero kung gusto mo pa, andito lang ako. Hindi mo man ako kailangan ngayon, hindi mo man ako kailangan bukas, pero alam ko balang araw kakailanganin din natin ang isa't isa.
Pero panahon na para alalahanin ko naman yung sarili ko. Panahon na para `wag i-prioritize yung mga taong pangalawa lang pala ako. Mahigpit man ang hawak ko, oras na para bitawan ito.
Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa at may dadating pang iba, pero lagi mong tatandaang minahal kita ng bongga. As in sobra.
Pero gaya nga ng sabi ko, tama na. Wala akong karapatang pigilan ka sa mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo, kaya magiging masaya na lang din ako.

1 comment:

  1. Tiny ano ba talagang meron. Ako talaga ay nai-intriga na sa problema mo. Hindi naman sa pagiging chismosa. :/ May hinala kasi ako pero ayoko namang mag assume kaya mag tatanong na ako. What's the matter? :| Care to tell? :))

    ReplyDelete