4.03.2011

Hindi mo ko kilala ng lubusan.

Hindi porket puro mura lang ang laman ng blog ko, nonsense lang `to. Hindi porket may mga bagay na hindi ako ang gumawa at ginaya ko lang sa iba, wala na kong originality. Hindi porket may mga bagay akong hindi nasasabi o kinikimkim ko lang sa sarili ko, eh selfish na ko. Teng ene eh. Ano beeeeh.

Bakit, hindi ba kayo nag-tatago ng mga bagay para sa sarili niyo? I mean, don't you have secrets of your own? Ano beeeh. Maliit na nga lang ang mundo, pinapaliit pa.

Alam mo kung bakit ganyan? Kasi pinapaairal yung insecurities. Lahat na ng butas para malait lang ako, nakita na.

Hindi ako perpekto. Pero may puso ako. Hindi puro kasamaan ang alam ko. May pakielam ako sa mga tunay na kaibigan ko. Kahit ako na ma-dehado `wag lang sila. May pakielam ako sa pamilya ko at binabalak kong pag-aralin ang sarili ko.

Materyalista akong tao, pero hindi ko pinag-mamayabang ang mga bagay na wala naman ako. Mayabang ako sa mga bagay na meron ako. Oo ma-pride ako. Alam ko na yun simula ng ipanganak ako. Wala akong pakielam sa sasabihen ng iba. Eh ano naman kung aalis at hindi nila matatanggap ang mga pagkaka-mali ko? Mamamatay muna ako bago ko sila habulin. Seryoso lang.

At hindi puro drama buhay ko. Nagkakataon lang na madalas ngayong mga nakaraang buwan ang mga eksena sa lablayp ko. Hindi ko kasalanan kung maraming concern sakin. Patunay lang yun na mabuti akong tao. At marami akong napasaya.

Kasawa i-eksplika kung sino ako. Tama na sakin yung mga tunay na tao sa buhay ko.



Nakakaputangina lang. TENG ENE MO.

No comments:

Post a Comment