2.16.2011

Bakit? VIP ka `teh?

Pinapaalala ko lang sa'yo, hindi kami ang dapat na makibagay sa'yo. Ikaw ang dapat mag-adjust samin dahil IKAW ang nakikisama samin, hindi kame.

And so kung hindi ka naisama sa snack? Bakit, mamamatay ka ba sa bagot sa loob ng room? Eh `di sumunod ka. Lumpo ka ba? Hindi mo kaya maglakad?

Jusko. Gusto mo pa ba talaga yung tatawag-tawagin ka pa? At sa araw-araw na ginawa ng Diyos na kasama ka namin eh, tinatawag ka pa namin?

At hindi porket mayaman ka, hindi ka na pwede sa mga ginagawa namin. Bakit, porket ba mayaman ka, hindi ka na pwede umupo sa sidekick sa tricycle? Hindi ka na pwede maupo sa lapag?

At kung pwede lang din, sana `wag kang masyadong mayabang hane? Kasi napapansin ko lang, alam mo na yata lahat. Eh `di sige, ikaw na. Ikaw na dakila. Pero kasi, may mga taong tulad ko na hindi nako-convince sa mga kwento mo. Hindi kasi ako tanga `teh. Hindi kami tanga.

Eh ang alam ko, nagtatanong ka lang din sa kaibigan ko sa group work niyo eh. Tapos kapag nagustuhan ng iba nyong ka-group, sa'yo lahat ng credit. Galing mo naman ata hane?

Sobrang napaka-pa i-star mo. Sukdulang gumawa ka ng mga kwento para lang mapansin ka. Kapag may ginagawa kaming isang bagay, kukunin mo at sasabihin mong "ako na". Eh `di sige, ikaw na. Alam mo na. Alam mo na lahat.

Akala mo naman na tama ginagawa niya eh mali din naman. Ang hirap kasi sa'yo, nag-dudunung-dunungan ka.

Leche.

2 comments:

  1. IKR! :-bd =)) Ngayon ko lang nakita yung mga comments sa mga previous blogs ko. :(

    ReplyDelete