I was reading a post from a Facebook friend earlier, she posted a note. 100 reason why she loves her boyfriend.
Habang binabasa ko yung note nya, napaluha ako. Bigla akong napasabi sa sarili ko,
"Ganito kami dati eh. Kaya lang hindi na ngayon."
Nakakalungkot. Nakakaiyak. Kasi, ang daming nagbago. Hindi na ko sweet. Hindi na din siya sweet masyado. Masungit ako. Masungit din siya. Hindi katulad nun. Na sobra sobra siyang mag-alaga. Kasi siguro, sobra-sobra na `din ako maghingi. Hindi ko na siya masyado nabibgyan ng time sa sobrang ginagawa sa school. Basta.
Hindi na kami tulad ng dati.
Dati, kahit smiley lang na "ΓΌ" masaya na ko. Kinikilig na ko. Ngayon? Hindi na. Wala na. Wala ng dates. Wala ng surprises. Wala ng efforts. Wala na.
Kung baga, parang mag-bestfriend na lang kami. Anjan siya, alam kong mahal ko. Anjan ako para sa ka kanya, at alam kong mahal niya ko. Pero nawawala na yung sparks.
At ang sakit-sakit.
Kasi, naiinggit ako. Kasi nanghihinayang ako. Sa ISANG TAON AT 17 NA ARAW na kasama siya.
Parang nawala na onti-onti. Yung mga pangarap. Lahat.
Mahal na mahal kita. `Wag kang mawawala.
No comments:
Post a Comment