So ang akala naming maikling biyahe, matagal pala. 5hours. So nag-stopover kami sa isang 7-11 at naipit pa ko sa hinayupak na flash. Per infairness, may WiFi sila. Haha. =)))))))))
Forward forward..
So ang resort na pupuntahan namin ay Sebay's Resort. Overnight kami dun. Pagdating namin, usi agad kami sa beach. Sobrang lakas ng alon. Ang reaction ko ay hindi excitement. Takot. Natakot ako kasi parang kukuhanin ka! And hindi ako marunong lumangoy. -_-
So after ng picture picture. At kumaen, umakyat na kami sa aming kwarto. Ang cool ng rooms kasi made of bamboo lahat. La lang. Cool lang.
Eh di ayun. Natulog na kami.
Forward forward..
Pagkagising ko. 5:54am. Sabi ko,"Oh shit. Tanghali na." HAHA. Ang plano ko kasi, 5am nag-i stroll na ko sa beach. Eh late ako nagising. Pero pagkatapos ko mag-hilamos, kami ni Kyla ang unang bumaba. Ganda lang ng dagat. Calming. Sobra..
So nag-stroll stroll na kami sa beach at dumating na ang mga pinsan kong iba. At nagtake ako ng pictures habang sila eh nagbabad na. Excited eh. =))
Proud ako. Stolen yan eh. Plus phone lang gamit ko. HAHAHAHA.
So after ng picture picture. Nag-swimming na din ako. Astig lang kasi ang lakas talaga ng waves. Surf Capital of the North nga. Ang cool kasi ang lakas. HAHAHAHA. =))))))))
Ayun after mag-swimming, naligo na ko at nag-bihis na ko at nag-picture picture ulit.
Billabong.
After nun umuwi na kami. Actually, pumunta pa kami ng Dagupan. Tapos chaka palang kami umuwi. Sa sobrang pagod ng katawan namin, tulog kaming mag-pipinsan. Tapos nag-hihilik pa ko. Lol. :))))))))
Yun lang. Nitatamad na ko mag-type eh. =))
No comments:
Post a Comment