2.06.2011

Why I love Jorenn S. Del Mundo.

I love Jorenn S. Del Mundo because...

He makes me feel special. Kahit na wala namang ka-ispesyal ispesyal sa akin.
Hindi siya nawawalan ng pasensya sa ugali ko. Yes, kung tatanungin kung sino black sheep ng relationship namin, probably, AKO yun.

Sobrang bait niya, sobrang mapag-pasensya. Hindi nag-sasawa. Laging binibili gusto ko kung kaya niya. Spoiled ako. =))

At kapag nagalit siya (Kahit sasabihin niyang hindi siya galit. XD), sobrang nakakatakot. As in. Hahaha. :)))

Love ko siya kasi ginagawa niya lahat para sakin. Kung tutuusin, kapag sinabi ko sa kanyang `wag siyang umattend ng practice nila ng banda, hindi pupunta yan. Pero syempre, hindi ko ginagawa yun. Haha. :)) Gusto kong tumutugtog siya, kaya ko nga siya nagustuhan dahil dun eh.

Mahal ko siya kasi, nag-seselos siya. At ako hinde. HAHA! =)) `Di ba sabi nila kapag nag-seselos yung lalake, swerte ng nobya niya? Eh puta. Ang swerte swerte swerte ko. Times ten raise to infinty. HAHAHA. :">

Mahal ko siya kasi hindi siya nahihiya na ipakitang mahal niya ko. Kahit ako minsan nahihiya. (Kanina, hindi ko siya napakilala sa friend ko. Sorry Baby.) Hindi siya nahihiya na ipakilala ako. Pero ako din naman hindi nahihiya. Mas nauna ko siya ipakilala sa family ko! :P

Ilan lang `to sa mga reasons, pero yung main reason is...

HINDI KO ALAM.

Seriously. Hindi ko alam kung bakit makikita ko siya, nawawala lahat ng hinanakit ko sa mundo. Nawawala na yung iniisip ko. Wala na kong pakielam sa mga problema ko.

MASAYA KO NG KASAMA SIYA. Pero hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung bakit kita mahal na mahal Jorenn S. Del Mundo. Basta ang alam ko lang, mahal kita.

No comments:

Post a Comment