2.05.2011

Dear John.

Hindi ko alam kung ako lang, or ano. Pero gulong-gulo isip ko sa Dear John.

Eh kasi, eh kasi.

Bakit hindi nagawa ni Savannah na tawagan si John? Bakit ayaw niyang magbago yung isip niya na magpakasal kay Tim? Tapos nung bumalik si John, gusto niyang balikan siya ni John?

Ano yun? Guilt trip?

Ah basta. Hindi ko ma-absorb.

Pero kung tatanungin ako kung anong mas magandang ending, I would vote for the movie na. Nung nagkita sila ulit ni Savannah. I love happy endings lang kasi.

Sa book kasi, Tim got well. So nung nagkita si John and Savannah sa dulo, parang pangangaliwa na yun right? Pero hindi din naman sinabi na bumalik si Savannah kay John, or binalikan siya ni John. Ang sinabi lang sa kanya ni John,"For the briefest instant, it almost feels like we're together again."

So I liked the ending of the movie more. Kasi, Tim died. (HAHA.) And kapag sa book, lalo lang dadanak ang luha ko. Kasi hindi ko kaya na hindi talaga sila nagkatuluyan.

2 comments:

  1. maganda ba talaga yang Dear John? nakakaiyak daw eh, di ko tuloy pinapanuod. :D

    ReplyDelete
  2. Yep, sobrang ganda. Humahagulgol ako. As in. HAHA! =))

    ReplyDelete