2.03.2011

Kukwentuhan ko kayo.

February 3, 2011. Eto ang date ngayon. Ang araw ng pag-punta namin sa FDC, Taguig City.

Alas syete ang usapan. Ngunit imbis na alas syete, alas otso sila pumunta. Kaya Forever Alone ako sa terminal kaninang umaga. =))))

Nang dumating na si Ahren at Nikka, umalis na kami. Sumakay kami sa bus na may plakard na "PASAY SCTEX". Pag-akyat, tinanong ko ang drayber,"Manong, dadaan ba ng SM Makati?" Oo daw.

At habang kami'y naglalakbay, nag-saksak ng dvd sa dvd player ang konduktor. "Si Agimat at si Enteng Kabisote" ang pelikula. Sobrang linaw ng pirated na dvd na yun. Daig sine. Wagas. :)))))

At ayun na nga, nakarating na kami sa SM Makati. bumaba kami at pumasok. Ang tahimik ng atmosphere. Kasi puro foreigner. Hahahaha. :))))) Kumaen kami sa McDonald's. At pagkatapos nun, nagpasya na kaming sumakay sa bus na may plakard na "FTI".

Pumara kami ng bus. Nang sumakay kami, mejo puno na pala. Nun pala, tatluhan bawat upuan. Eh `di upo naman kami. At ang bus na yun, parang roller coaster. Walang biro. Parang roller coaster. I repeat, parang roller coaster. WAGAS. =))))

At nakarating na nga kami sa FDC. Pagpasok namin, ang ganda. Ang linis. Kami pumasok sa loob at pinapunta sa recieving area. Hinihintay namin ang mga tao na asikasuhin kami. At nung kausap na kami, April 4 pa daw nila masisimulan ang testing ng noodles namin. Oh `di ba? WAGAS. 2 days na lang, graduation na. Ang malupet wala pa kaming thesis. Syempre, no choice. Kailangan namin lumipat.

Buti na lang, may binigay silang centers samin. PIPAC at SGS. Napag-pasyahan namin na pumunta sa tapat na mall at mag-internet.

Nakita namin ang site ng SGS. Tinawagan ko gamit ang pay phone sa internet shop. Wagas. May sumagot. Pwede daw namin i-walk in at next week ang results.

Ang problema? Hindi namin alam pumunta sa "Pasong Tamo".

Nasa Taguig kaya kami. Duh? So sumakay kami ng Cubao. At si Aling konduktora, eka ni Ahren eh "kuya" daw. Kaya wagas na naman tawanan namin. :))))

Pag-dating namin sa SM Makati ulit, bumili kami ng zip lock. At nung nailagay na namin sa zip lock ang noodles namin. Lumabas na kami at nag-abang ng taxi.

Syempre, dahil ~*pRoBinSyanOwZz*~ lang kami, hindi namin alam ang pagsakay sa taxi. May pila pala. So inikot namin ang SM Makati. Nun pala, wala kaming choice kundi pumila lang talaga.

Nung nakasakay na kami ng taxi, tinawagan namin ulit ang SGS kung ano ang malapit na establishment sa kanila. Coca-Cola daw at Wyeth. Nakita naman namin pareho. At nakita din naman namin ang SGS.

Pagpasok namin.Bongga. Konting chika chika sa receptionist at napag-usapang ipapadala na lang daw ang results. Para bayaran ang aming fees, nagpunta kaming second floor. Nang makita namin ang pintuan papunta sa cashier, todo career kami ni Ahren sa pagbukas. Nun pala, may lock. Hahahaha. =))))

Ayun. Natapos kami sa SGS at maligaya na kami. Pero may isa pa kaming problema, pano kami pupunta sa terminal ng bus. :))))

Nagtanong tanong ako at ang sabi ng mga guard na napagtanungan ko, mag-e MRT daw talaga kami. Magallanes Station going to Cubao.

Syempre, experience yun! Lahat nasakyan namin. Hahaha. Si Nikka pala, first time. Kaya experience talaga. =))

Pagpasok namin sa MRT Station, mali pala. Aakyat pa pala kami sa hinayupak na foot bridge at pumunta sa kabilang side para sumakay going to Cubao.

At nakapunta naman kaming Cubao. Pagbaba namin, ang nasa isip namin ni Nikka ay... FOOD. Hahahahaha. :)))) Ikaw man ang maglakad ng wagas. =))

At nakakita kami ng Jollibee. Bumili kami at hinanap na ang terminal ng Five Star. Nakita namin at sumakay sa bus na may plakard na "SCTEX Cabanatuan".

At habang kami'y maglalakbay pabalik sa aming kanya-kanyang bahay, si manong konduktor, naglagay ng dvd sa dvd player.

At ng lumabas na ang pelikula... "Si Agimat at si Enteng Kabisote." WAGAS. =)))))))))))))


At kami'y nakauwi na. Bow.


---

Credits to my Ninang Esther for her assistance. :-bd

---

Hindi ko naitext masyado yung baby ko kasi nalowbat ako. :-( I miss him. :-(

No comments:

Post a Comment