2.16.2011

What happened yesterday?

Ano nga ba? HAHA. =)))

Well, nagpunta kaming N.E. Pacific sapagkat ako "dapat" ay bibili ng false eyelashes. Ngunit sa kasawiang palad, wala akong nabili dahil utod sa mahal.

Ano pa? Nagpa-warranty ng cellphone si Pat sa Cherry Mobile. Ngunit sabi nung ale, hindi daw sakop yun ng warranty chuva chuva. Eh `di syempre, naaasar ako kaya't ako'y nakipag-sagutan ako sa kanya. Sobrang natameme silang dalawang tindera sakin. Ngunit dahil kami ay mabait, umalis na lang kami.

Ano pa ba? Ayun. Sinamahan namin si Ria maghanap ng shoes para sa prom. At jusko po. Napakatagal pala nyang bumili. HAHAHA. =)))) Inabot kami ng alas sais.

At pagkatapos nun. Kami ay umuwi na. Sabay an kami ni Pat. Ngunit nung nasa sakayan na kami, puno na daw. Pero tumakbo parin ako sa harap at umupo kami sa harap ng drayber. Kahit kami ang huling dumating. HAHAHAHA. :)))

Wagas ako nung araw na `to.

No comments:

Post a Comment