2.02.2011

Mag-kukwento ako. :-bd

Eherm. Haha. =))

Well, pumasok ako kaninang 6:49am papuntang school dala-dala ang isang box na malaki ng laman ay blender. Bakit may blender? Kasi gagamitin namin sa thesis yun. Haha. :)))

So habang nag-hihintay mag-10am, pumasok muna ko ng Physics. Katabi ko si Aprille (Dags). =)))) Eh `di ayun. Tawa dito, tawa dun. Hahaha. Tapos nawala ang brush ko! Di ba? Hahaha. :))))

Tapos uminom kami ng gatas ng kalabaw? Yung chocolate! Binigyan ako ni Aprille! Haha. :p

Then, it's time for us to go na. Kami'y nagpunta sa bahay nila Nikka. Kasama ko sila Ahren, Nikka, James, Bushong, at Aldwin.

Ayun, gumawa kami ng noodles. At first, kinakabahan kung magiging successful at kung makaka-graduate kami, pero awa ng Diyos, "medyo" successful naman siya. :))))

At eto ako ngayon. Nag-bablog. Nag-iisip kung magkano ang gagastusin namin bukas `pag nagpunta kaming FDC sa Taguig. :| :|

---

Gawa lang akong sanaysay ni Jorenn. Bye! :-h

No comments:

Post a Comment