7.29.2011

There are exceptions to every rule.

Lahat naman tayo may kanya-kanyang pag-uugali. Lahat tayo may sari-sariling pagkatao. At hindi porket may nakita ka sa isang tao, eh ganun na siya.

Hindi porket nagkamali, bobo at tanga na. Hindi porket masipag, matalino na. Hindi porket nag-react, may simpatya na. Hindi porket tamad, eh wala ng silbi. Hindi porket walang pakielam, indifferent na.

Wala ka sa kalagayan ng taong jina-judge mo. At lalong wala kang karapatang pagsabihan sila ng kung ano ano dahil lang ayaw mo sa ugali nila. Hindi mo alam ang pinag-dadaanan ng bawat taong kini-criticize mo.

Lahat may exceptions. Lahat may limitasyon. At lahat may kanya-kanyang opinyon. Lahat tayo may masasabi. Lahat tayo may reaction.

Pero `wag kang manghusga ng isang taong nakilala mo lang ng ilang araw, linggo, buwan, o taon. Dahil wala ka sa kinalalagyan nila at hindi mo nararamdaman ang mga pasanin at mga problemang hinaharap nila.

No comments:

Post a Comment