7.31.2011

Sa mga panahong ganito...

Gusto ko talaga maging superhero. O kahit hero lang, kahit wala ng super. Gusto kong magkaron ng powers - powers na kayang tanggalin lahat ng hinanakit ng pamilya ko, at minsan pa nga ng buong mundo.

I want to erase all the pain and hurt they feel. Gusto ko pasanin lahat ng problema nila. Sana kaya kong i-fast forward ang mga araw. Sana I'm not only 16 para may magawa ako para sa kanila.

Gusto ko maging genie, para mabigyan ko sila ng 3 wishes. Maging Powerpuff Girl para I can save the day. O kaya, si Batman, para ako na lang ang bahala sa problema nila.


Pero at the end of the day, ako lang `to. Si Tiny lang ako. Walang magawa at pinapanuod lang umikot ang mundo. At sobrang hirap.

Ang hirap umupo sa isang tabi habang yung Dikong mo nawalan ng bagay na sobra nyang iniingatan. Ang hirap tumunganga habang yung mga sundalo sa Mindanao, pinupugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf. Ang hirap manuod ng TV lalo na kapag nakikita mo ang mga putanginang demonyo sa gobyerno. Ang hirap mainis at magalit sa mga taong magnanakaw, snatcher, holdaper, dahil alam mong ginagawa lang nila yon dahil sa hirap ng buhay.

At minsan, sa mga panahong ganito, sobrang hirap ngumiti...

No comments:

Post a Comment