3.14.2011

Masaya, ngunit nakakapagod na araw. =))

Umorder kami ni Epril ng slumbook kay Witty sa FB. Eh dahil wala kaming bank account, GCASH lang ang choice namin. Kaya kelangan naming mag-punta sa N.E. Pacific para magbayad sa Globe. At syempre, ok na siya!

(Please click the photo above.)

Kami'y sumakay sa jeep, pagkatapos ko mag-Chapter sa Trig, na sa kasawiang palad, eh wala ako nasagot. HAHAHA. =))))

Nung nasa Pacific na kami, punta kami ng Globe at nagbayad. Pagkatapos nun, ikot ikot. Sa lahat ng madaanan naming shop na maganda. Haha. =))

Pagkatapos namin mag-gala, nag-punta kami sa food court at nag-DANCE MANIA X. Jusko! Hindi ko alam laruin yon. Para kong tuod! HAHAHAHA. Pero I don't care, laro lang ako ng laro kahit nakatingin ang mga tao. Hahahahaha. =))))

After nun, nag-punta kami sa Robinson at nag-sukat sukat and everything.


Pagkatapos nun, umuwi na kami. Ako'y napagod ng husto. Hahaha. =)))))

No comments:

Post a Comment