3.19.2011

Kuya ko.

Sana andito ka. Sana katext pa kita. Sana nasasabi ko lahat ng problema ko sa'yo. Sana lahat ng putangina sa buhay ko, aalisin mo. Sana hindi ka na lang galit. Sana hindi na lang tayo nagkasamaan ng loob.

Kuya ang sakit sakit na.Napu-putangina na ko. Hindi ko kaya. Gusto ko makipag-usap. Ikaw lang ang tanging tao na pumapasok sa isip ko kapag may problema ako sa ganito. Kasi alam ko na kahit anong gawin ko, kakampi ka sakin.

Kaso, nuon yun di ba? Kasi galit ka na. Pero alam ko naman na may maliit pa kong espasyo dyaan sa puso mo eh. Mahal mo pa naman ako `di ba? Ako parin naman yung one and only bunso mo di ba? Kuya ko, sorry na. Ikaw lang ang pumapasok sa isip ko sa mga panahong napu-putangina ako.

  Sorry na.


Bati na tayo, oh. Hindi ko na kaya. ;-(

No comments:

Post a Comment