4.13.2012

Pasensya na.

Pasensya na kung walang kalaman-laman yung blog ko. Kasi naman...
  • Una, wala naman akong ginagawa sa araw-araw kundi mag-DS at kumaen.
  • Ang hirap mag-isip ng sasabihin kasi laging may tao sa likod mo. Sakit sa bangs, men.
  • Sa estado ng bahay at pamumuhay namin ngayon, hindi ako nakakaisip ng mga bagay na iba-blog dahil nakakablangko ang pang-araw araw na gawain.
  • Para kaming boy scout (pwede ding girl scout) sa bahay. As in. Camping ang drama namin dito sa bahay.
Kaya inuulit ko, pasensya kung wala kayong makita sa blog ko ngayon. Pangako, babawi ako kapag may bahay na kami. Nakakahiya nga kasi naka-64 pageviews pa ko kahapon samantalang wala namang mababasang "interesting" katulad nung mga nakaraang buwan.
Kaya... i-enjoy niyo na lang muna ang bakasyon. `Wag na muna kayong mag-online at humarap sa computer dahil mas masarap tumambay at makipag-bidahan sa labas ng bahay (style ko yun eh). Dalawang buwan lang naman ng ibang bakasyon at hindi naman tayo tambay na maraming panahon sa buhay.
Rakenrol lang tayo!!!

No comments:

Post a Comment