4.15.2012

Day 5: Five things you would like to do before you die.

  1. Makapag-sorry sa mga taong nasaktan at naapi ko. Kaya kung nababasa mo man `to ngayon at may sala ako sa'yo, sorry ha? Sinadya ko man o hindi, sorry pa din. Mapatawad mo man ako o hindi, konsensya mo na yun. Bahala ka, baka multo-hin kita.
  2. Maka-graduate ng kolehiyo. Jusko, pakiusap lang po. Pwede po bang grumaduate muna ako bago Niyo ako kunin Lord? Salamat po.
  3. Magpakasal. Kung kukunin na ko ni Lord after akong magpakasal, kahit hindi na ko magkaanak kasi kawawa naman. Hindi nila makikilala yung nagluwal sa kanila sa mundo.
  4. Mamura lahat ng taong gusto kong murahin. Ay teka, pwede ko na palang gawin yan ngayon. Putangina niyo ho!
  5. Masabihan ng "Mahal Kita" ang mga taong mahal ko. Period.
Kung mamatay man ho ako bukas o sa isang araw at nabasa niyo na `to, pakisabi na lang sa lahat ng concern ha? Thank you! I love you all! =))

No comments:

Post a Comment