4.30.2012

Eh kasi mainit.

Dahil wala nga kaming banyo, nung natatae ako kahapon nung mga bandang ala una nagpunta ako sa mga pinsan ko (sa kabilang bahay lang) para maki-CR. Ngayon, nakita ko yung pinsan ko na naglalaba (tamang trip lang) at kaya daw siya naglalaba eh dahil gusto niyang magbasa. Kumuha ngayon ako ng damit ko at bumalik ako sa kanila tapos inaya ko siya magbasaan. =))
Lumabas ngayon kami para ayain ang iba pa naming pinsan at si Dikong. Napag-desisyunan ngayon namin na mag-rent kami nung banyerang sobrang laki. Yung Php10.00 per hour. Hahahahaha. Nakaipon na nga kami ng trenta pesos para tatlong oras eh! :))) Pero sa kasawiang palad, naunahan na kami ng mga bata sa kabilang kanto.
Kayaaaaaa... nag-bring your own banyera (timba, tabo, etc.) na lang kami sa tapat ng bahay namin! Hahahaha. Eh mainit eh! =)) Pero hindi na din kami nagdala ng sarili naming banyera (timba, tabo, etc.) dahil may hose naman yung mga pinsan ko.
(Click photos to enlarge)
Weeeeeeeee! Hahahahaha. =))))))
Si Dikong yung nagpa-planking. :)))
That's me! =)))))))))
 Kaming tatlo nila Anna Bunana. Si Anna ang may pasimuno ng planking na yan. Hahahahaha. =))))))

Yan ang resulta ng init na dulot ng summer. At hindi mo na kailangan magpunta sa mamahaling resort at sa beach para mag-enjoy. :-bd Enjoy the rest of your vacation, everyone! Konting kembot na lang at pasukan na naman. XD

No comments:

Post a Comment