4.27.2012

Alam mo yung biglaan? Eto yun eh!

Nung 4/26 kasi, umuwi si Jorenn ng mga bandang 10PM na kaya ganung oras na ko nakapag-online. Eh since wala si Dikong, nag-computer na lang ako dahil nag-chacharge pa yung DS ko. Tapos nung mga bandang 11PM or 12AM? Basta ganun, nag-online si Dags. Tapos ayun, biglang... Bigla na lang nagkayayaan sa Pacific at manuod ng The Avengers eh. =)))
Nagkita kami sa Jollibee Crossing kasi hindi na daw niya alam yung papuntang Pacific! Dami kong tawa. Hahahaha. Peace Dags. XD Pagpunta naming sinehan, hindi na kami nakabili ng food kasi 1PM pala start nung movie tapos yung next showing eh 3:30PM na, hindi naman namin maiintay yon kasi 1:27PM na nung nakarating kami. Kaya kahit wala kaming pagkaen, nanuod na kami.
At alam mo ba yung tipong sa sobrang ganda ng movie na pinapanuod mo eh, nagpapalakpakan na kayo sa loob ng sinehan? Kinginang shet! Napaka-lupet lupet lupet ng The Avengers! Pramis. Tangina. Ang ganda lungs. Ang gwapo ni Captain America at idol na idol ko talaga si Iron Man (Robert Downey, Jr. to be specific)! Kay Dags na daw si Hawkeye pero ang gwapo din niya. Syempre si Thor at Black Widow pa. Pero ang nagdala talaga don eh si Incredible Hulk eh. Hahahahaha. Sobrang ganda! :-bd
Eh dahil hindi nga namin naumpisahan, sinimulan namin ulit hanggang dun sa naabutan namin. Kahit gutom na kami, hinintay na namin matapos ang "soundtrip" ng sinehan. Katagal eh. =))) Tapos lumipat kami ng upuan dun sa gawing gitna. Eh may tatlong bata na tumabi samin. Yung upuan kasi sa tabi ko eh bakante, sabi nung isang bata,"Ate may nakaupo po ba sa tabi niyo?" Sabi ko wala. Eka,"Pwede po ba dumasog kayo?" Hahahahaha. Nahiya naman ako dun sa bata! Hanep. Tapos nung kinakausap ko yung isa, ayaw naman sumagot. Hahahaha. =)))) Tapos pagkatapos non, kumaen na kami (sa wakas) sa KFC. Yieeee! :p
Eh tapos, gusto ko kasi sana bumili ng cellphone. Yung mura lang. Nagtanong ngayon kami dun sa mga stalls sa Pacific. Yung una naming napagtanungan, Php1700 daw yung gusto kong unit ng phone. Yung sumunod na stall, Php1500 daw. Yung sumunod ulit, Php1400 naman daw. Tapos dun sa pinaka-huli, Php1588 naman na! Hahahahaha. Nako! Hintayin ko na lang yung pinsan ko next week para dun na ko bibili. Hahaha. XD
Syempre, mawawala ba sukat sukat sa Robinson's? Hahaha! :p
Tama nga sila. Kapag biglaan mas masaya! Wagas eh. Sooooobra. Sa uulitin! Thank you Dags. Sa susunod ako naman, itaga mo sa bato. :-bd Pakiss nga! :* =)))))))))

No comments:

Post a Comment