1.19.2012

Things I'm Thankful For!

Para maiba naman. Lagi na lang kasing reklamo ang pino-post ko. At chaka para hindi naman puro drama. Napansin ko kasi na halos puro sad vibes ang blog ko for the last few weeks. Kaya eto, magpapasalamat ako kay Lord.
  • Una, nagpapasalamat ako dahil buhay ako. Salamat Lord dahil andito pa din ako at meron pa din akong hininga para abutin ang mga pangarap ko sa buhay. Kahit wala na si Daddy, inaalay ko pa din lahat ng maaabot ko sa buhay sa kanila ni Mommy.
  • Salamat dahil kahit wala na si Daddy, at least hindi na siya nakakaranas ng hirap dito sa mundo. At least alam kong may peace na siya.
  • Salamat dahil may good health at safe ang family at mga mahal ko sa buhay! At sana sa mga darating na years pa. Long life and good health.
  • Salamat kay Kuya. Sa pag-aalaga niya samin. Tangina. Salamat Kuya.
  • Salamat sa mga kaibigan na laging nanjan. Isa sa pinaka-masarap na regalo.
  • Salamat dahil meron akong Jorenn S. Del Mundo.
  • Salamat dahil kahit isang taon lang kaming magkakasama ng CLSU, naging isang mabuting paaralan pa din `to sakin. Sa lahat ng mga propesor, estdudyante, blockmates, at dorm mates... maraming maraming salamat sa lahat!
  • At sa lahat ng blessings na natatanggap namin mula kay Lord, thank you po. Thank you talaga!
Marami pa kong dapat pasalamatan, pero eto na muna. `Wag natin kalimutan magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin. :-bd \m/

No comments:

Post a Comment