1.13.2012

Away.

Pag-usapan naman natin ngayon, yung kayong dalawa. Bakit nga ba nag-aaway ang mag-jowa. Siguro naman lahat ng magkasintahan eh nag-aaway hane. So bakit nga ba?
Ang pinaka-karaniwang case! Nag-aaway sila dahil may pinagtatalunan sila na ayaw magpatalo pareho. Ano ang dahilan? Pride. Sigurado ako na merong isa sa inyo na mas mataas ang pride kesa sa isa. Sila yung gusto parating tama. At ganito ako. Hahahaha. Paano nga ba `to maiiwasan? Syempre, kailangan kung alam mo ng ganun ang boyfriend o girlfriend mo, `wag mo na sabayan. Kung badtrip siya, `wag kang maba-badtrip dahil mag-aaway lang talaga kayo ng bongga. Kung ayaw mo naman kasi sa ugali niya, eh bakit mo sinagot o bakit mo niligawan di ba? Stuck ka na jan kaya pagtiisan mo kahit napaka-moody at daig pa ang babaeng masakit ang puson at galit sa mundo.
At eto pa, trabaho ng mga lalake na `wag guluhin ang mga babae kapag may ginagawa sila. Kung ayaw niyong maaway ng mga nobya niyo, aba magtino kayo. At syempre, kayo namang mga babae, kung lalabas ang nobyo niyo kasama ang tropa o ang barkda niya, hayaan niyo siya. Abay daig niyo pa ang nanay kung mangbawal.
And that leads us to another problem, ang sobrang pagkapit sa mga jowa niyo. Sa susunod na lang `yon dahil off-topic dito. Hahahaha! =)))))

No comments:

Post a Comment