1.13.2012

Eh, at least.

Kahit na puro "Tangina" at "Punyeta" ang lumalabas sa bibig ko, at least ganito talaga ako. Kahit na galit ako sa mundo at marami akong opinyon sa mga bagay bagay, at least nailalabas ko ang laman ng isip ko. Kahit na alam kong maraming nagagalit sa ugali ko, at least hindi ako nagpapanggap bilang ibang tao.
Eh at least kahit uuto-uto ako, may natutuwa sakin. Kahit minsan bubugok-bugok ako, at least na e-enjoy ko ang buhay ko. Kahit na napapagalitan ako minsan, at least worth it naman. Kahit corny yung mga jokes ko, at least tinry ko pa ding sabihin. Kahit hindi ko nagustuhan ang isang libro, at least tinry ko pa ding basahin. Kahit hindi ko natapos, at least sinubukan ako.
At least. Kahit yun lang, meron ako.

No comments:

Post a Comment