8.12.2011

This week's a blaaast!

So nung bumalik kami nung Monday sa school, tuloy tuloy na sa klase at wala ng pahi-pahinga kahit sooobrang antok ko pa. At nung tanghali, nag-long quiz pa kami sa Algebra. As usual, ako ang kauna-unahang nag-pass. WAHAHAHA. Tapos pumasok ng Bio Lec 105 dahil na-kunsensya naman ako kung hindi ako papasok. Lol. XD =))

Tapos nung Tuesday, hell-o hell day kami. Sobrang nakakapagod na klase sa P.E. As in sobrang nakaka-putangina lungs. Tapos after nun as in pagkatapos na pagkatapos naming malinis ang mat sa Gymnatorium, nagpunta na kami sa Lab dahil midterm namin sa Bio Lab 105. Oo, nagpunta kami dun ng napaka-dungis at napaka-baho. HAHAHA. Pero infairness, ang dali lang ng exam. =))

Tapos nung Wednesday (Birthday ni Kuya), may report kami sa Humanities. Nung umpisa, akala ko hindi pa ko mag-kaka-red day, pero ako'y nagkamali. Buti na lang. Buti na lang talaga at hindi uniform day today kundi! Ay jusko. HAHAHAHAHA. =)))))))) Kaya hindi ako pumasok ng iba kong subject kasi masakit puson ko. Oyeh. =)))

Then Thursday na! Fave school day everrrrrr. No classes today kasi Saliksikan 2011 lang kaya nagpunta lang kami sa Auditorium para makinig sa guest speaker from U.P. Diliman. Sorry Sir, I forgot your name! :-D

Then after nun, nagpunta na kami sa CEn Recreation Center para sa Hall Preparation ng Bio Dept Acquaintance. Ang tagal naming nakatanga dun tapos ang inet pa kaya galit na galit na kami sa president namin dahil nagagalit pa samin samantalang wala naman siyang nagawa. Kami ang nag-ayos ng tables and chairs at kami din ang nag-ayos ng tablecloths kaya nakaka-gago ang putangna eh. May araw ka din.

Buti na lang pinauwi na kami ni manong taga-ayos para makapag-prepare na kami sa party dahil 5PM na nun at 7PM ang call time. Kaya umuwi na ko at naligo at hinintay ang roommates ko para makapag-ayos na kami.

Sinuot ko lang ulit yung dress ko last prom kasi ayoko naman talaga mag-effort dahil ayoko lang magbayad ng 300 pesos sa hindi pag-attend. =))))

Tapos Ninang ko si Ate Bio ng Room 6! (Si Ate Rachel) Ang galing galing. May nag-pin sakin nung Ceremonial Pinning at isa na kong certified Biology sutdent. Wagas lungs talaga. :"> XD

So ayun, after ng Bio Acq, mga 11PM siguro yun, nagpunta pa kami sa Interdorm sa Gymnatorium at naki-party party pa ulit. Pero sobrang daming tao kaya hindi na din kami nakapag-sayaw ng marami ni Jorenn. :( Pero at least nakahabol ako at nakasama ko pa yung roommates at si Jorenn! :-bd

Ayun. Hahahaha. Nakakapagod talaga ang week na `to kaya buti na lang at walang homeworks this weekend. Wagas kayo Profs! \m/

No comments:

Post a Comment