8.29.2011

Oh, saan na napunta?

Saan na napunta yung mga threats mo sakin? Saan na napunta lahat ng sinasabi mo sakin? Saan na napunta? Eh `di kinaen mo din lahat `di ba? Kung gagawa ka kasi ng gulo, make sure na tapusin mo. Nanahimik ako sa sariling mundo ko tapos bigla ka na lang gaganun. Hindi naman kita inaano at ang saya-saya ko tapos bigla ka na lang mag-rereact. Sa'yo din mag-rereflect lahat ng mga sinasabi mo sakin. Sa'yo din mag-rereflect lahat ng paninira na ginagawa mo. Mag-ba backfire din sa'yo lahat ng mga ginagawa mo sa kapwa mo. At alam ng Diyos na kahit anong paninirang puri ang gawin mo, alam pa rin Niya na walang mali sa mga ginagawa ko. Na namumuhay ako ng tahimik.

Wala lang akong sinasabi nun, dahil hinihintay ko lang totoo-hanin mo lahat ng mga sinasabi mo. Pero wala naman pala. Wala naman pa lang laman yung mga sinasabi mo. Hanggang salita ka lang.

Isa lang masasabi ko: Hindi kita inaano. At kahit anong gawin niyo, kahit magsama-sama pa kayo, alam ko pa din na may mga kaibigan akong handang i-comfort ako. At sana, sa susunod, kung maninira ka at kung may i-tsi-tsismis ka sa ibang tao, sana yung totoo. Kasi sa bawat pag-sisinungaling na ginagawa mo, nakikita yan ng Diyos. Baka mawalan ka na ng mga kaibigan, hindi ka pa makaakyat sa Langit.

"Sticks and stones, may break my bones, but words cannot hurt me."

No comments:

Post a Comment