8.26.2011

Bakit may mga taong sobrang bi-bitter?

Hindi. Seryoso lang. Napaka-insecure naman kasi at ang O.A. na. Hindi naman kasalanan ng ibang tao kung may mga bagong tao na dadating sa buhay nila. Kaya nga may salitang "move on", `di ba? Jusko. Eh sa wala na nga, eh. Tapos na. Tapos na yung mga panahon niyo.

Move on na. Hindi kasalanan ng isang tao kung gumawa siya ng paraan para makakita ng mga taong mas magmamahal at magpapahalaga sa kanya. Hindi kasalanan ng isang tao kung naghanap siya ng taong tatanggap sa kanya kung sino siya. Hindi kasalanan yun.

Ikaw ang may problema. Ikaw ang nagpapa-lamon sa sarili mong insecurities. Ikaw ang gumagawa ng mga dahilan para kamuhian ang past mo. Ikaw ang gumagawa ng dahilan kung bakit ikaw mismo sa sarili mo, hindi maka-get over.

Walang permanente sa mundo. Ultimo wika, dinamiko. At higit sa lahat, lahat tayo nagbabago.

No comments:

Post a Comment