8.28.2011

Ang sarap lang sa pakiramdam.

Na yung bagay na pinapasan mo ng dalawang buwan at laging bumabagabag sa'yo, nailabas mo na rin sa wakas lahat sa matalik mong kaibigan. It's like the weight in your heart had been lifted.

Actually, mediyo nag-aalangan pa kong i-kwento yun kagabi kasi wala pa kong napag-sasabihan nun. Ever. So, yun nga. Nung sinabi ko sa kanya, habang tina-type ko eh umiiyak ako. Hihi. :') Kasi ang hirap lang ulit alalahanin nung pakiramdam. And hindi ko rin alam kung ano yung magiging reaction niya dun sa sasabihin ko. Pero syempre, the best siya kaya gumaan talaga yung pakiramdam ko. :-bd

And it's a start. I think, eto na yung start ng moving-on-chapter ko. Eto na yung point ng buhay ko na, I'll open up to the new people in my life and I won't hold back anymore.

Kaya ko ng harapin lahat kasi alam kong may isang tao na kahit nasa malayo, ay tinuturing pa din akong isang kaibigan. And I'm very grateful for that. Kung mabasa mo man `to, alam mo na kung sino ka. I love you poreber lungs. Wagas! HAHA! :* >:D<

No comments:

Post a Comment