5.27.2011

RF: Gusto ko alam ko na yung ending ng isang book/movie bago ko basahin/panuorin.

Ang weird `noh? Pero ganun ako. Hahaha. Gusto ko alam ko na kung sino yung makaka-tuluyan sa huli ng bidang babae. Gusto ko alam ko na kung sino mamamatay. Basta gusto ko alam ko na yung ending at yung outcome. Hahaha. =))))

Harry Potter Series pa lang ang binasa ko na walang spoilers. At yun lang ang libro na gusto kong may thrill.

Kapag nagbabasa ako ng isang book, tinitingnan ko agad yung summary or yung dulo agad ng book. Kapag naman movie, tinitingnan ko din yung flow of events. Tapos kapag hindi ko type yung ending or flow of events, hindi ko na tatapusin yung book or movie.

Weird, eh? It's a habit I think. Ayokong nagkaka-heartbreak sa dulo ng isang kwento when I'm vulnerable. Yung tipong sa dulo pala eh mamamatay yung bidang lalake, gusto ko alam ko ng mamamatay siya bago ko pa ipag-patuloy yung pag-babasa. =))))

So `yun. HAHAHAHA. =)))

No comments:

Post a Comment