5.16.2011

Day 5: Tell something about your bestfriend.

Hindi ako magaling sa labels, para sakin overrated ang mga `to at hindi ako magaling sa mga bagay na ganun, pero kung tatanungin kung sino ang "best" at "truest" friend ko, isa lang isasagot ko.

Aprille Anne Gorospe Luna.

Siguro masasabi ko yun kasi sobrang haba ng pinagsamahan namin since elementary at umabot pa ng high school, at still counting pa ngayon. Ganito kasi ang kwento kung pano kami nagkakilala ni Dags.

Prep ako nun at siya ay Kinder (Kinder nga ba? O Nursery? Basta Pre-School), nun kami unang nagkakilala. Tapos nung start na ng Grade 1 next school year, mag-classmates na kami. HAHAHA. Kaya ayun, hanggang portyir hayskul kami magkaklase at magkasection. Hahaha. =))))) Tapos naalala ko pa, meron pa kaming barkada na "Striker" Barkada. Tapos tinry pa namin gumawa ng clan non na walang sumali, tapos inaway namin yung teacher namin nung grade 5. HAHAHAHAHA. De, sa totoo lang, kapag kasama ko si Dags, para kaming nag-cocombine sa kautuan. =)))

Pero seryoso lang, si Dags lang talaga ang tanggap kung ano ako. Yung nag-ka cut ng classes, yung magulo sa klase, lalo na sa Calculus na  kung saan number one kami sa kaingayan. HAHAHA. Yung magtitinginan kami tapos bigla nalang kami mag-wa "WAAAAH!" HAHAHA.

Sa kanya ko lang din nasabi lahat ng mga hinanakit ko, yung sinasamahan niya ko kapag nagpapasama ako, yung nililibre niya ko kapag wala na kong pera, yung dinadamayan niya ko sa madaming bagay. Yung tipong may lakad lang kaming dalawa. Yung nagpunta kaming Pampanga na kaming dalawa lang. HAHAHA. =))

Madami kaming mga bagay na nag-re remind sa isa't isa. Yung "Akala mo lang wala, pero meron, meron, MERON! Slumbook Tanso Edition, yung baller ko ng U.P. na pasalubong niya, yung pamoni niyang orange. At siyempre, yung gift ko sa kanya nung last birthday niya.

DAGS! Kung mababasa mo man `to, ma-mimiss kita! Mag-iingat ka sa Pamp ha? De, seryoso nga. Ma-mimiss kita. Andito lang ako lage. Forever! Kung wala mang forever, hanggang mamatay ako. I LOVE YOU! Pa-kiss nga! HAHAHAHAHAHA. =)))))) :* >:D<

2 comments:

  1. Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,Natouch ako,,pwera biro. I love you boi!! Sobra! Hala, baka maiyak ako,,hehe.. Mamimiss din kita ng super!! Wagas! :D :)) :* :3

    ReplyDelete
  2. Ayieee! I miss you! :-D Kelan ka uwi from Pangasinan? Libot tayo! :-D Miss na kitaaa! :* >:D< :))

    ReplyDelete