5.23.2011

May 21, 2011.

Sinama kasi ako ng pinsan ko sa outing ng Lending Co. nila. Dalawa kami ng kapatid niya. Sa Stone 8 Resort, Gabaldon kami pupunta kaya tuwa naman ako kasi syempre, first time ko lalayo ng Cabanatuan ngayon summer. Mga 6AM kami nakaalis kaya 7AM palang, andun na kami.

Hindi gaanong maganda yung ambience niya kasi hindi naman siya resort-slash-hotel, parang public swimming pool lang siya. Ang cool lang kasi yung mga tubig sa pool, sa bundok galing. Astig lang. Ang lamig lamig tapos walang chlorine, kaya hindi masakit sa mata. At kahit na sobrang init ng araw, baliwela kasi nga napakalamig ng tubig.

Tapos meron kasing officemate yung pinsan ko na yung asawa niya, eh sobrang selosa. Tapos yung pinag-seselosan eh, yung pinsan ko. Ang lakas lang ng topak niya kasi kumanta lang yung manager nila ng "Ikaw Sana" tapos niloko lang yung pinsan ko nung ibang officemate nila na favorite niya yun. Nag-react naman yung selosang asawa nga nung isang officemate nga ng pinsan ko at nag-walk out tapos sinundan siya nung asawa niya. Kami naman natahimik kasi wala naman kaming ginagawa. Tapos pagbalik nung officemate ng pinsan ko na asawa nung selosa, eh puro kalmot sa braso.

Grabe lang. Ang lakas lang ng topak niya. Parang na-de-degrade pa yung lalake kasi nga `di ba? Pinapahiya siya sa mga co-workers niya tapos ina-under pa siya. Pero hindi siya kumikibo kasi nga, ayon sa mga pinsan ko, eh mahal niya daw yung asawa niya.

Tapos nung umuwi na kami nung mga bandang 5PM, tapos pasakay na kami, nasa harapan sila. Tapos andun ako sa dulo ng jeep kaya rinig na rinig ko sila na nag-aaway kahit pabulong. Ayaw pasakayin nung selosa yung asawa niya. Ang kapal eh, siya na nga lang yung sinama nung asawa niya, ina-under pa niya.

Nung umandar na kami, nag-sisigawan na sila tapos yung lalake/officemate ng pinsan ko, tumalon sa jeep! Buti na lang nahinto ng pinsan niya/driver kaagad. As in kitang kita ko yung pagbukas niya nung pinto tapos napamura na lang ako ng,"Putangina, putangina." Ayoko naman kasi makakita ng tao na mamamatay sa harap ko. Jusko.

So `yun. Adik yata yung babae. Kainisss.

No comments:

Post a Comment