12.31.2011

Pero kulang pa din.

Kahit anong pilit ko na mapasaya yung sarili ko, masakit pa din. Na mag-sisimula ka ng bagong taon na wala siya. Yung tradition namin na mag-mumulihon siya when the clock strikes 12. Masakit. Sobra. Pero ganun talaga yung buhay eh. Minsan masaya, minsa nakaka-putangina.
Pero alam kong kung nandito siya, gusto niyang magsimula kami ng panibago. Ibaon sa limot lahat. Ibaon na lahat ng mapapait na nangyari ngayong 2011.

I love you Daddy. I miss you so much. I'm still coping Dad, but I've accepted reality now. Happy New Year. Nothing's changed. You'll always be my best man. Forever and ever. 

Happy New Year! ☮

From Jorenn and I. 

12.30.2011

What my childhood consisted of.

Eto na. Hahahaha! Another side of me na hindi alam ng nakararami. *ehem ehem* Ok. Noong bata pa kami, hindi kami binibilan ng Mommy namin ng mga toys na madaling masira. Hindi daw worth it at chaka kalat lang daw sa bahay `yon. Kaya kapag binibilan niya kami ng toys noon, yun talagang magtatagal over the years ang binibili nila ni Daddy.
Si Kuya, mahilig sa action figures `yon. Kaya puro ganoon ang laruan niya. Mga WWE wrestlers, si RoboCop, atbp.
Si Dikong naman, LEGO at K'NEX.
 Tapos ako? Barbie dolls. Kagulat noh? Pero oo. Barbie ang hilig ko noon. Actually, hanggang ngayon. Hahaha. May collection kasi ako ng Barbie. From Barbie to Ken to Kelly. Madami din akong damit ni Barbie, some binibili some tinatahi ng Ninang ko na once nag-trabaho for Mattel. At syempre, ang shoes. Haha. Lahat ng pinsan kong babae at pamangkin kong babae, kapag pupunta samin, aayain dati ako agad mag-Barbie. Siguro dun din ko ginusto maging:
  1. Author. Kasi nga, kapag naglalaro ako, gusto ko may kwento. Yung may plot at may story line talaga. Yung characters, gusto ko may distinct personality.
  2. Interior Designer. Kasi nga, kapag naglalaro ako noon, syempre dine-design-an ko ang bahay ni Barbie. Yung bedroom niya, yung living room. Pati nga banyo meron ako eh. Hahahaha. Umiihi kasi yung Kelly ko. Har har. =))
So `yun, yan ang childhood ko. Weird dahil totomboy-tomboy ako sa school noon (hanggang ngayon), pero napaka-laking bagay ng Barbie dolls sa buhay ko. And of course, kung magkakaroon kami (what the fuck? hahaha) ng anak na babae, ipapamana ko sa kanya ang collection ko. ;)

When you're reading a book, and something absolutely amazing happens, and you need to take a breath to let the information sink in.

wowfunniestposts
(Source: leilockheart)


G-fucking-POY. #Accurate

12.28.2011

Day 25: 10 ways to win your heart.


  1. Marunong mag-gitara. Eto talaga. Kapag marunong kang mag-gitara, may 10 points ka na agad sakin. De, seryoso talaga. Gusto ko ng lalakeng nag-gigitara kasi hindi ako natuto. Mahilig kasi ako sa banda kahit hindi ako tumutugtog. :-bd
  2. Food? Haha! Pakainen mo ko, may 10 points ka na ulit. Hindi naman sa matakaw ako, pero nakaka-turn on kasi yung mga lalakeng nanlilibre sa mga babae. Although `wag naman yung mayabang yung dating, pero yung may pagka-gentleman. *wink*
  3. Game sa kahit anong trip ko. Syempre, ayoko naman ng kill joy. Kung gusto kong mag-bungee jumping, dapat walang imik-imik. HAHAHA!
  4. Flowers. At oo, kahit na totomboy-tomboy ako, ang sarap pa din ng feeling na may nagbibigay sa'yo ng flowers. Kahit isang long-stemmed yellow rose lang... *ehem*
  5. Dates! Nakaka-turn on kasi yung mga lalakeng nag-paplano ng mga dates. Yung hindi basta aayain ka lang kumain sa labas, tapos chikahan. Minsan wala ng mapag-usapan kaya maganda yung may back-up plan.
  6. Masarap kakwentuhan at may sense kausap.
  7. Nag-ba basketball. Not just any sport. Basketball kailangan. Hahahaha! Choosy ako eh. =)) Pero kasi, para sure na lalake!
  8. Kayang dalin yung sarili niya. Ang pangit kasi tingnan sa isang tao yung kailangan pa siyang alalahanin ng girlfriend/boyfriend niya.
  9. Mabait.
  10. Kahit na ayoko ng surprises, syempre lahat naman ng babae gusto ng EFFORT. Yun na `yon. Hindi na kailangan i-explain.
HI JORENN! Hahahahaha. I love you! :P >:)))))))))))))

Kalimutan na ang hinayupak na Sebago! =))

Hi new @Keds and flats. Kahit mag-tatampo ang mga Chucks ko, ok lungs! Hahahaha. Eh kasi naman, nagtaas ng Php200 ang Converse Classics. :p >:))))))))))))))
Thank you Mom! Shoe shopping is such a relaxer. 

12.27.2011

Opinyon ko `to. Bawal magulo. Walang basagan ng trip.

Hindi ako sang-ayon sa pari na nag-Homilee samin nung huling gabi ng Simbang Gabi. Sabi niya kasi, mga Katoliko lang daw ang legit na simbahan. Kasi daw gawa lang daw ng tao ang JIL, Protestant, Methodist, etc.
Hindi naman sa binabastos ko siya, kaya lang `di ba? Bullshit naman `yon. Para sakin, pare-pareho lang tayo. Ano mang relihiyon, sino man ang sinasamba natin. Pare-pareho lang `yon. Iba iba man ang tawag natin sa Panginoon, naniniwala ako na iisa lang ang Diyos na sinasamba natin. Iba iba man ng tradisyon ang bawat relihiyon, naniniwala pa din ako na para sa Panginoon, Siya pa rin ang tinatawag nating lahat.
Paano tayo magkaka-World Peace kung ganyan ang ibang pari? Kung manglait, akala mo kung sino perpekto. Yung Protestant daw, si Martin Luther ang nagtatag kaya hindi legit na simbahan `yon. Yung Methodist daw tao lang din ang nagtatag. Pero baka po nakakalimutan niyo father, Kristyano din sila. Si Hesu Kristo pa din ang sinasamba nila. Ang kaibahan lang? Wala silang mga pari na katulad mo. Na kung magdikta eh, daig mo pa ang pinuno ng North Korea.
Sinasabi sa Bibliya na kailangan nating magmahalan lahat. Pero bakit ikaw, hindi mo silang magawang mahalin kung ano sila? Para sakin, kahit ano pang relihiyon ang meron ang isang tao, kahit gaano pa kadami ang kasalanan na nagawa niya sa mundo, mahal pa din siya ng Diyos.
Gusto mong respetuhin ng ibang relihiyon ang relihiyon mo, pero ikaw, kung makapag-sermon ka, akala mong nang-be brainwash lang. Gusto mong magalit kami sa ibang relihiyon dahil "tinatag lang sila ng ibang tao". `Wag ganun father. Matuto tayong respetuhin kung ano ang opinyon at desisyon ng bawat isa. Kung gusto mong mahalin ka, matuto ka ding mahalin sila. Vice versa. Hindi ba't pari ka? Bakit hindi ka marunong magpakumbaba? Eh kung binato ka kamo ng bato, eh `di batuhin mo ng tinapay. Walang problemang malulutas kung habang buhay kayong magbabatuhan ng kung anong mali na pilit niyong nakikita.
Ngayon alam niyo na kung bakit ayaw ko sa mga pari.

12.26.2011

12.24.2011

Day 23: Something you always think as "what if..." about.

Eto na yata ang pinakamasakit na tanong na na-encounter ko. Hindi naman siya mahirap sagutin dahil meron naman talaga ako sagot para dito, pero masakit lang kasi alalahanin yung mga nangyari.
These are the things I think of when I'm asking myself "What if?": What if my Dad told us that he's sick? What if we brought Daddy to the hospital earlier? What if he didn't gave up? What if we were given a chance to talk and tell him how much we love him before he left?
`Di ba? Ang sakit sakit. Hindi man lang namin alam na may sakit siya. Hindi man lang namin alam na may nararamdaman pala siya. Then one day... boom. Wala na. Wala ka man lang kamalay-malay na may iniinda na pala siyang sakit. Na one of these days, hindi na niya kaya. Hindi man lang niya sinabi samin.
Yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Masakit. Sobra. Walang araw na hindi ko siya maiisip. Lalo na ngayong Pasko. Kaya lang, wala na eh. Wala na. Wala na kong magagawa kundi tanggapin na sa buhay, may mga bagay talagang ganun na nangyayari.

Sabi nga sa kantang Breakeven ng The Script,"They say bad things happen for a reason. But no wise words gonna stop the bleeding."
Kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na sa magulang mo habang nandiyan sila kung gaano mo sila kamahal. Iparamdam mo na lahat ng pagmamahal na dapat mong isukli sa kanila. Dahil sa bawat taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, at segundong lumilipas, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Magpasalamat ka na hanggat kaya mo. Dahil napaka-daming taong humihingi ng pagkakataon na kahit isang minuto lang, mapasalamatan at masabi man lang nila kung gaano nila kamahal ang magulang nila.

12.23.2011

I made it!


 So yon. Hahaha! Kompleto na nga Goodreads challenge ko. Pero nandaya ako ng konti kasi nabasa ko yung the Twilight Saga two years ago so it doesn't count, but still! Pagbigyan niyo na ako. Hahahahaha. =)))))))) I'll stick to 50 next year, para hindi nakaka-pressure! Hanep. At chaka mahirap na maghanap ng books next year. Sana maraming maganda! :-D :-bd

12.22.2011

Day 22: 5 things about you people don't really expect.


10 dapat ito, kaya lang 5 na lang dahil nahihirapan akong isipin ang mga positive sides ng pagka-tao ko. =)) Siguro, ang madalas na first impression sakin ng mga tao "madalas" eh, masungit ako. Boyish, matapang, masungit, masungit, at masungit. Pero totoo naman `yon. Haha! Kaya lang, may qualities din naman ako na hindi ine-expect ng mga tao. Tulad ng:
  • Mabait ako! Hahahaha. De, seryoso. Mabait ako. Lalo na kapag mabait ka sakin.
  • Matulungin. Madalas namin pagtalunan ni Jorenn `to, lalo na nung naka-dorm pa ako. Masyado akong matulungin sa iba. Pero kapag lang naman may free-time ako. (Kaya lang nagseselos kasi siya. :p)
  • Sweet ako! Kaya lang, mediyo mahirap pa rin para sakin ang manlambing sa mga kaibigan ko. Mediyo mahirap para sakin ang makipag-socialize. (WEH?! Hahahaha.)
  • Caring. Kung meron ako magagawa, kahit na maliit na bagay, para sa ibang tao, gagawin ko. At least alam ko na may nagawa ako para tumulong sa iba.
  • Mapagmahal. Chos. Hahaha! Pero hindi naman siguro kami magtatagal ni Jorenn kung hindi kami mapagmahal. =))
Tangina. At `yan ang mga ugali ko sa kabila ng ipinapakita ko madalas. Hanep! Ang corny naman talaga, kaya I always choose to stick with my other qualities. (Puta lungs talaga. Ang corny. Hahahahaha. Shizz~)

12.21.2011

Day 21: Something you can't seem to get over.

My Dad's death. I know I should move on now (And I am, really), but there are times when I still can't believe everything that happened to us was real. I try to be happy at all times, I try to make myself smile everyday, I try to make myself believe that everything happens for a reason. I try.
But I lose my armor every time I see my Mom cry. I try be strong. But those certain moments in my life make me vulnerable.
People see me as this cheerful and bubbly person, but behind this mask is a girl that still yearns for her Daddy to come home.

Day 20: The last argument you had.

Nakalimutan ko na kung ano, pero sure akong si Jorenn ang ka-argument ko. Hahaha! Siguro, kahapon? Nung pinapapunta ko siya dito tapos ayaw niya pumunta kasi walang kasama yung kapatid niya sa bahay, tapos syempre nag-drama dramahan ako kaya pumunta siya! Yay! Hahaha.
P.S. I always win. >:)))) :P
I love you Babe! Thank you for always spoiling me. :* :"> 

Holy graveyards. :O


Isa lang ang masasabi ko: Thank you! (Ay dalawa pala `yun) Salamat sa mga taong nagbasa at nag-like ng review ko sa Lola and the Boy Next Door. Alam ko mababaw, pero shet. Sobrang saya ko. As in putanginang shet ang saya lungs. Masaya ako na may mga taong nakaka-appreciate ng sinusulat ko, mga taong natutuwa sa laman ng utak ko. Thank you talaga. And! To think na hindi ko `to pinublicized, kaya salamat talaga! :-bd \m/

12.19.2011

I love this day! ♥

I asked for one, but then I got three! Thank you Lord for the early Christmas gifts and to those who gave them (Mommy and Jorenn)! Yay! :"> Keep them coming though. :p
Yung maliit na pouch, gift ni Jorenn yun sakin nung nagpunta siya sa Baguio. Dolphin earrings `yun! Yieee. I love you Babe! <333 Pero ako, parang hindi ko siya mabibigyan this Christmas dahil sobrang dukha ko. Huuu~
Post-Christmas gift na lang ha? =))))))))))))))))

“Life is so freaking hard. How do people do it? How do people get up every day and deal with the shit? It really makes you understand why there are so many messed-up people in the world. I mean, it's tough, trying to deal with demands coming at you from all sides.”

― Lisa Schroeder, Chasing Brooklyn

Day 19: Something that never fails to make you feel better.

Since madami sila, i-bullet form natin. Kaya lang napansin kong halos lahat ng i-post ko for the past few days ay naka-bullet. Pero i-bubullet ko pa din. Hahahaha! Eto na:

  • Music. Sino ba naman kasi ang hindi kayang pasayahin ng musika, di ba? Ako, talagang alternative rock ang pinapakinggan ko kapag-nagi emo ako. Hahaha! Nakakawala kasi ng stress para sakin yung mga instruments na nagwawala. Lels. De, seryoso. Yun nga. Kapag malungkot at nalulumbay ako, hindi ko pinipilit yung sarili ko na makinig ng masasayang kanta. Mag-i emo pa ko lalo, tapos bigla ko na lang marerealize na mukha na pala akong gago. Yown. Hahaha.
  • Mura. Ay shet. Eto ang remedy ko kapag badtrip ako. Simple. Mag-mura ka lang. Hindi ako nag-mumura na may kasama sa dulo tulad ng,"Putangina mo!" o kaya eh,"Punyeta ka!". Mura lang talaga. Simpleng putangina o punyeta. Hindi ako nagmumura ng isang particular person. Pwera na lang kung may rason talaga ako para murahin siya.
  • Reading. One of my guilty pleasures na lagi naming pinag-aawayan ng nobyo ko. Kasi kapag hindi ko na sinasagot ang tawag niya, o hindi na ko nagrereply sa texts niya, isa lang ang ibig sabihin non. Haha! Eh kasi naman, nawawala talaga ako sa present na mundo kapag nagbabasa ako. Hahahaha. Kasi kapag nagbabasa ako o ang isang tao, gumagana ang imagination. Kaya hindi ko na mapapansin yung mga worries at problema ko, kasi nga pilit kong iniisip yung mga scenes sa binabasa ko.
  • Jorenn. Siya naman talaga ang tagapag-pawala ko ng problema. Chos. Ano siya, problem solver? De, seryoso. Kapag nandiyan na siya, masasabi ko na lahat ng problema ko, lahat ng mga worries ko, lahat ng mga bagay na nagpapatuliro sakin. Kaya kayo, mag-boyfriend na din kayo. Hahaha! De, joke lang. Pero masarap talaga kapag may nobyo ka, instant bestfriend at instant lahat.
  • Praying. Hoy, kahit hindi ako nagsisimba, nagdadasal ako! Ayoko kasi sa simbahan, given the fact na baka masunog ako, I also have an outspoken hate for priests. Hindi dahil sa Noli Me Tangere ni Jose Protacio Rizal, pero dahil ayoko talaga sa kanila.
Gusto ko sana isali ang "Family", pero since napaka-platitude naman non, kaya `wag na. Understood na yon. So yun! :-bd

12.18.2011

Things-To-Buy-and-To-Do next year!

I suppose dapat Christmas wishlist muna dahil mag-paPasko pa lang, pero since hindi naman matutupad ang only wish ko for Christmas, eto na lang.

  • Diyeta. Ay puta. Ngayong taon, kinakailangan na talaga. Seryoso. Ang taba taba ko na. Kitang kita ko na ang fats sa hita ko like shit. Kaya kailangan na talagang mag-diet. Unang-una yan kahit ilang beses ko na atang sinusulat sa New Year's resolution ko `yan. Huuu~
  • Shoes. Hindi ako nakabili ng shoes for Christmas dahil ang mahal ng Sebago. Like shit. Hindi siya affordable para sa isang tulad kong estudyanteng dukha. Huuu~ Eh wala naman akong ibang gustong brand and style ng shoes. Kaya kailangan ko pa siyang pag-ipunan ng bonggang bongga. At least sariling sikap. :-bd
  • Clothing. Seryoso. Eto ang New Year's Resolution ko. Since next sem, magiging malaki na ulit ang baon ko at dito na lang ako sa Cab mag-aaral, balak kong mag-ipon every two weeks para bumili ng damit. Ang luluma na ng mga damit ko and kupas na sila. Huuu~
  • Books! Yun nga, dahil gagaan na ang baon ko next sem, that means makakaipon na ulit ako for myself and that means makakabili na ko ng mga gusto kong books! Yay!
  • Skin care. I think ang cute na date nun. Facial! (Ehemm. Jorenn. :p)
  • Planner! Sana lang matupad ko yung iniisip kong designs kasi naubos ang ink ko, and hindi pa ko makabili dahil Christmas season, and marami pa kaming iniintindi sa bahay. But I'm going to buy a plain and affordable planner for 2012 para ma-design-an ko mabuti.
Marami pa akong gusto pero I can't think of them. Na-memental block ako kasi nag-ja jumble sa head ko lahat. Haha! If ever na maalala ko sila, I'll edit this post na lang! =))

Hello Windows 7 Ultimate!

Click photo for a larger and better resolution!

Day 18: Disrespecting parents.


12.17.2011

Day 17: Things that make me scared.

Dami. Dami akong phobia eh. Ummm, I'll write it in bullet form (para cute). Hahaha! Here they are:

  • Arachnephobia. Fear of spiders. Takot ako sa gagamba at hindi ko alam kung bakit. Ok? Hahahaha. Hindi takot sa turok at sa kung ano-ano pang injections pero takot sa gagamba. Weird ako, eh. :p
  • Catoptrophobia. Fear of mirrors. Sa gabi lang naman! I have this mirror in my room at inaalis ko siya gabi-gabi dahil natatakot ako na baka kapag nagsasalamin ako every night, biglang may katabi akong nagsasalamin. And nakatapat kasi siya sa bed ko. Additional info: My Kuya did the same thing when he came home from abroad and we switched rooms. Inalis din niya yung mirror kasi ang creepy. :p
  • Chronophobia. Fear of time. Hindi ko alam kung bakit, pero dati, takot na takot ako na biglang ang bilis ng oras na lumipas at wala pa kong nagagawang productive sa buhay ko. So ayun. That's why I stopped reading for a while. Huuu~
  • Claustrophobia. Fear of confined spaces. Just a little bit. Nung nasa Phil. Heart Center kami, kung hindi ko kasama yung mga cousins ko, hindi ako sasakay sa elevator kasi masyadong confined and wala kang makikita. Ok lang sakin yung mga elevators na may makikita ka, katulad nung nasa SM malls, etc.
  • Entomophobia. Fear of insects. Most insects lang naman. Considering the fact that there may be a million species of insects all over the world, most lang naman. :p
  • Scoleciphobia. Fear of worms. I wasn't afraid of them until there came a time when some maggots dropped from the ceiling to my room. Shit. Ilang buwan akong hindi pumasok at natulog sa kwarto ko. And nadagdagan pa dahil sa earthworms. Lalo na nung nalaman kong Biology students are supposed to dissect them. Tangina. Hindi ko kaya. Tangina lang. (Kasalukuyang kinikilabutan po ako.)
  • Katsaridaphobia. Fear of cockroaches. Ay puta. Sinong hindi natatakot sa flying ipis?! Sabihin niyo sakin. Putangina. Walang lalaking macho sa ipis na lumilipad. Tandaan niyo `yan!
Ayan. Hahahaha! I could go on, pero yan na lang. =))))

Eh kasi naman.

Nakaka-flatter o nakakakilig nga yung mga lalakeng todo-effort sa panliligaw at sa pag-sosorry sa mga nililigawan at girlfriend nila, pero hindi yun rason para kainggitan niyo sila. Kasi dadating yung time na baka sa sobrang taas ng expectations niyo na gagawin sa inyo yun ng mga manliligaw at nobyo niyo, baka sobrang ma-disappoint lang kayo kapag hindi nila magawa yung gusto niyo.
I appreciate videos like the one I watched earlier (nanliligaw), at kinikilig pa nga ako. I also find other people's relationships cute and sweet, pero hindi naman natin sila kailangan kainggitan. Marahil nagsasawa na kayo marinig yung saying na "Sinusulat lang ni God ang love story mo, maghintay ka lang", pero totoo yon. May mga tao lang naman na pinalad mahanap ang mga soulmates nila ng mas maaga.
I'm in a relationship for exactly 23 months and one day right now at masasabi kong hindi todo effort ang nobyo ko sa pagsusurprise sakin. But that's perfectly fine. Kasi I'm not expecting anything. Expectations lead to disappointment, eka nga. (And probably because I hate surprises, kasi nga ayaw ko ng disappointment kaya I point out what I like. :p) And I think that's also why nagtagal kami. Hindi ako nag-eexpect ng todo, kaya masaya ako sa relationship at partner ko.
At chaka iba-iba ang mga lalake. Hindi naman sila pare-parehong creative at mayaman. Hindi naman manghuhula ang mga manliligaw at nobyo niyo na gusto niyo pala ng flowers with matching balloons, o kaya eh banner na nagsasabing mahal nila kayo.
Matuto tayong tanggapin ang kung ano at sino ang meron tayo. Matuto tayong makunteto sa kung ano at sino ang binigay ng Diyos sa atin. Hindi man pare-pareho ang love story ng mga tao, pero para sa dalawang taong nagmamahalan ng totoo, sa palagay ko yun lang eh, todo-todo nang panalo.

12.15.2011

Day 16: 3 things you are proud of about your personality.

  1. Matapang. Buti nga nabawasan na ngayon eh! Hahaha. Dati, ang bilis bilis ko magalit tapos lalabas na ang inner powers ko. Lulz. Kapag inano mo ko ng hindi naman kita inaano, eh talagang aanuhin kita. (Ano daw? Hahaha.). Pero yun nga, nung nag-mature na ko (Ayun eh. Hahaha.), I try think things over bago ako mag-react o magalit. :-bd
  2. Hindi ako mapanglait. First part ito ng third personality ko. Wala akong pakielam sa ugali ng iba lalo na kung hindi ka naman nila inaano. Kaya talagang natatawa ako sa mga taong umaapaw ang insecurities sa katawan. Pumatol ka kung talagang sinasagasaan ka. Pero kung hindi ka naman na-dedehado, natatamaan, o nasasaktan, bakit mo kailangan patulan ang ibang tao na wala namang ginagawa sa'yo? Lalaitin mo sila para pakainin ang ego mo? Jusko. Tsss poreber. `Wag ganun, pre.
  3. Indifferent. They say, outward hate is better than indifference, but I think not. It's better not to care what others are saying than to deal with them. Wala akong pakielam sa opinyon ng iba, kasi opinyon nila yun eh. At kung hindi mo papansinin yung trip nila, hindi din nila papansinin yung trip mo. Simple. Walang hassle. Kaya kong mag-mura everyday, a hundred times a day, and I don't care if some people think of it as bad. I do what shit I want to do, I say what I feel, and I don't mind if people hate me for it. It's me, so take it or leave it. Walang basagan ng trip, pre.

Remedies.

For the last two months (December included), I've been doing my best to be happy and strong. And there were those times when I try to lessen the pain by thinking of things that will benefit our situation. I know it's kind of, I dunno, wrong maybe? But sometimes, it's the only thing that works to make it easier.
One thing na iisipin ko is, if Dad is in Heaven right now with God, eh `di mas maganda. `Di ba? At least doon, hindi na niya kailangang mamroblema. Hindi na niya kailangan isipin yung future. Alam kong it's still hard, even though sinasabi ko na wala na siyang worries and everything kasi wala na siya, but I know he's looking down on us from Heaven. He's still here. As Sirius Black once said,"But know this; the ones that love us never really leave us. And you can always find them in here [puts his hand to Harry's heart]."
He never left us, he's still here. At yun din yung isang sinasabi ko sa sarili ko every time I miss him. And everyday, I am doing my best to help myself to heal. Kasi no matter how hard I cry at night, or how much I miss him, it happened. We can't make the clock turn counterclockwise. Nangyari na ang nangyari at isa lang ang kailangan nating gawin, at yun ay ang dapat natin itong tanggapin.
It still hurts like hell, oo naman. Shit naman. Masakit mawalan ng magulang. Pero pre, tumatakbo ang oras. Alam kong ayaw niyang makita kaming nagmu-mukmok sa isang tabi. Alam kong gusto niyang may mangyaring maganda sa buhay namin. Even though he's not here physically, alam ko naman na andito pa rin siya. Somewhere, Elsewhere. He can still see the things we're doing for him and for Mom. I know he can still feel the love we have for him. ♥

12.11.2011

Day 15: The best thing that happen to you this week.

I finally made a book blog, and published some of my reviews there and I also finished reading If I Stay last night! ;)

Day 14: Something disgusting you do.

Mangulangot ng mangulangot. HAHAHAHA! Eh bakit ba? Sa `yun ang hobby ko eh. =))))))))))))))

12.10.2011

Day 13: A date you would love to go on.

(I skipped days 11 and 12 because I don't have answers for them.)

Date? Madami akong gustong puntahang lugar, pero siguro yung iba eh kapag may trabaho na kami kasi para may "funds". Hahaha! =))
Sa Pilipinas, ang gusto kong pag-date-an ay, siyempre ang Luneta Park. Cheap na, maganda at nationalistic pa. Gusto kong mag-kalesa, mag-picnic, mag-jogging (hahaha), at mag-picture taking doon. Hindi kasi ako masyadong fan ng beach dates, mas prefer ko ang group or family outings kapag beaches kaya out-of-the-list yun. Gusto ko din ng date sa Enchanted Kingdom and manuod ng fireworks display nila! Or kahit sa MOA lang. Yon. Simple lang. Hihi. 
Hindi naman ako nag-mamadali. (Ehem Jorenn. Haha!) Ok lang sakin kahit after 5 years na mangyari `to. Basta mangyayari. :p
Wala akong masyadong gusto abroad. Kasi alam ko naman mala

My first book review!

Yay! After months of trying (HARD), I finally finished a book review! My first book review is for Mitch Albom's For One More Day. And of course, I made a blog just for my reviews! ;)

You can read my review here! --> LINK! :-bd

12.06.2011

Day 10: Your views on drugs and alcohol.

Sa drugs, eto lang ang masasabi ko: Don't use it or even try it. Walang magandang naidudulot ang drugs sa tao. Yun lang.
Sa alcohol, um... Ok lang kasi sakin yung mga taong umiinom, nagyoyosi, nagmumura, may tattoo. Okay lang sakin lahat ng yun. Basta sa alcohol, drink moderately. Actually, this rule applies to all. Sa paninigarilyo, pagkaen, sa lahat. Lahat ng sobra, nasasayang dahil umaapaw. As much as possible, kung iinom kayo, know your limits. Kasi, yun nga, everything that exceeds are mostly bad for us.
Ituloy niyo lang yung trip niyo, pero laging i-check kung nasa huwisyo pa kayo. :-bd \m/

Day 9: Your last kiss.

Eh sino pa ba ang hahalik sakin kundi ang nobyo ko? Hahahaha! I miss you Babe!

Our phones. ♡
Our rings. 
(Click photos for better resolution)
I love you Jorenn S. Del Mundo!

Day 8: Something you're currently worrying about.

Madami. Hahahaha. Magulo ang buhay ko ngayon in terms of family, school, at madami pang iba. Una, nag-aalala ako sa mangyayari before and after December 14. I know that my Mom's strong, but feeling ko hindi pa siya ready na mawala si Kuya sa tabi niya. Pero dahil naka-vacation leave lang si Kuya, he needs to go back abroad to work.
Nag-aalala din ako sa magiging reaction ni Kuya and ng iba kong relatives kapag nalaman nilang I am shifting into another course in another school. Mediyo, negative kasi yung naiisip kong outcome when they find out.
But I'm going to let all those things find their own places, and alam kong hindi naman ako papabayaan ni God. So ayun. *hingang malalim*

Day 7: Your opinion on cheating on people.

Marami kasi uri ng panloloko (shet, tagalog na tagalog). May mga nanloloko in terms ng pera at power tulad ni Gloria. Meron din naman panloloko for fame and popularity tulad ng show business. At meron din namang panloloko lalaki sa babae and vice versa (for example ang two-timing).

I'll give my opinion on the last one. Ang panloloko ng mga mag-jowa sa isa't isa. Ang masasabi ko lang naman ay, kung manloloko ka, panindigan mo. Kasi unang una, may masasaktan sa gagawin mo. Kung mang-two two-time ka for fun, eh gago ka. Please lang, kung hindi mo na mahal ang isang tao, tell them. Kung iniisip mo kasi na baka masaktan siya dahil mahal ka pa niya, eh gago ka talaga. Siguro naman mas masakit para sa tao na yun na malaman niya na may jowa ka na palang iba. Eh kung in the first place, nakipag-break ka na, eh `di sana nakapag-move on na siya. `Di ba? Sabi nga nila (ewan ko kung sino yun), kung magjojowa ka ng dalawa, piliin mo yung pangalawa kasi hindi ka naman maghahanap ng iba kung mahal mo pa yung isa.

Alam ko magulo ang pagpapaliwanag ko. Hahahaha. Eh kasi naman! Hindi ko pa naman kasi naranasan lokohin ng kung sino man. At hindi rin naman ako madaling lokohin kasi. XD =))))))))))))))

Day 6: The person you like and why you like them.

Marami akong gustong tao. Mapa artista, kapamilya, kaibigan, kaklase, singer, banda, authors, at kung sino sino pa. Pero para masaya, sasabihin ko na lang kung bakit ko gusto ang paborito kong vox and frontman ng Pinoy Rock...

Si Chito Miranda o Alfonso Miranda Jr. sa totoong buhay. Actually, paborito ko naman ang buong Parokya ni Edgar. Sila Vinci, Dar, Dindin, Gab, at syempre si Buwi. Pero iba lang naman talaga ang appeal ni Chito dahil syempre, frontman at vox siya. I like the way he expresses himself and how he treats other people. I like the way he communicates and socialize with their fans through Facebook and Twitter. Siguro kaya sila number one band in the Philippines kasi hindi lang sa paraan ng pagkanta nila dinadaan kundi pati na rin sa paraan ng pagpapasalamat nila sa mga humahanga at bumibili ng mga kanta nila.

40th day.

It's my Dad's fortieth day since he's gone, and we went to Eternal Gardens to pay his grave a visit. Here's a photo of Avery (my cute inaanak) and me.

  
I got a lot of things to say to him, like when we bought Mom a new stove for Christmas and I wish that he's still here to see how happy it made her. Like when we celebrated Dikong's birthday last Sunday. I know, what's the point in wishing for someone who's not coming back right? But I can't help it. Probably because I just miss him so much. I love you, Dad. We love you and we miss you. I hope I was a good daughter to you. Gonna visit you in Heaven, I promise.

Day 5: 5 things that irritate you about the opposite/same sex.


  • Mayabang. Ayoko ng mahangin, mayabang, maangas. Lalo na yung mga taong wala namang ipagmamayabang. Okay lang mag-kwento ng totoo, pero `wag nang mag-imbento.
  • OA. Ayoko ng OA. Yung tatawa, yung makikipag-usap, yung lahat eh ginagawan ng ka-OA-an. Nakakainis lang.
  • Maarte. Okay lang sakin yung mga maarteng MAGAGANDA. Natutuwa pa nga ako sa kanila kasi "bagay" sa kanila. Pero kapag PANGIT ka, aba `teh, `wag kang assuming, hindi bagay sa'yo.
  • Papansin. Ay seryoso, nakakainis lang. Yung mga taong gagawa ng kung ano-ano basta lang mapansin at gustong sumikat. `Wag na kasing trying hard, sa ayaw ka ngang pansinin eh.
  • Nagmamagaling. Kung hindi lang din naman ENCYCLOPEDIA o GOOGLE ang pangalan mo, tumahimik ka na lang at `wag ng magsalita. Jusko. Kapag may certain topic na pinag-uusapan, bigla na lang magiging "professional" sa topic na yun. Parang nung laban ni Pacquiao, lahat na lang ng tao naging "boxing analyst". Nakakapika lang.
At oo, may mga iniisip ako habang tinatype ko `to. Lol.

Day 4: What you wear to bed.

Eh `di panty, bra, damit, at short? HAHAHAHAHA! Yown. =))))

Oh, and say hello to my Twitter background  The Rolling Stones. :-bd

12.01.2011

Ninong Andy's operation and birthday at Phil. Heart Center.

So ayun, kaya nga kami nag-proxy nila Kuya Andong sa Family Day nila Aira and Kyla ay dahil magpapa-opera ang kanilang Daddy. So ayun, nagpunta kami nung November 29 sa Manila kasi sinimulan na yung operation niya and dahil birthday niya sa 30. (Get it? Andy is from Andres Bonifacio because they have the same birthday. Hahaha)
Stopover @ NLEX
Nung pagpunta namin sa PHC, nagpabili pa ng plasma yung doctor ni Ninong kaya naiwan lang kami ni Ate Alea and Kuya Andong sa Blood Bank Division ng hospital dahil dapat mag-dodonate si Ate ng dugo at hindi natuloy dahil puyat nga kami at kulang ang RBC namin. Hahahaha.
3AM na kami nakauwi sa apartment nila Abuy. Tapos 7AM pa ko nagising kaya talagang puyat poreber. Buti na lang at kasama namin si AJ! My super duper cutie pie pamangkin kaya puro smiles and wacky shots! Hahahaha.
Then viewing time ng 12-12:30PM kaya nagpunta na kami sa PHC ng 11:30AM or so... Tapos gumawa pa kami ng banner (Sa isang scratch ng paper) para kay Ninong dahil nga birthday niya. Ayun, sa window lang namin siya nakita kasi nga nasa Recovery Room pa siya.
Buti na lang bago kami umuwi, nalipat na siya sa SICU room kaya pwede na namin siyang i-visit (yung may kasama usap) sa room niya.
Ang cool ng Philippine Heart Center kasi yung hallway niya is puro sleeping place ng relatives or loved ones ng patient. Astig lungs!
So yun. Thank God successful yung surgery!
P.S. Ang ga-gwapo nung mga doctor. At ang babait pa. HAHAHAHAHA. =)))))

Aira and Kyla's Family Day!

Dahil "supportive cousin" ako. At dahil nasa Manila for medical purposes ang Daddy nila Aira and Kyla, kami ang proxy nila sa Family Day. So nag-ala Mommy ako dahil puro mga Mommy ang kasama ko. HAHAHAHA. Pero oks lang, kasi nag-enjoy naman yung mga bata. ;)

Here are the photos of Kuya Andong and Kyla playing Trip to Jerusalem. Kaming dalawa lang ata ni Kuya Andong ang teenager! =))


At eto naman kami ni Kyla. Kailangang alisin namin ang flour para makita namin yung 12 na choco coins. Hahahahaha. =)))))))


Hahahaha! Nag-enjoy kahit hindi nanalo! :-bd

11.26.2011

Saving June, definitely one of my favorite books of all time.

Storya pa lang, nakaka-relate na ko. The loss of a loved one. The characters. Laney, Harper. Shit. I love Harper. And Jake. Grabe, ma-iinlove ka talaga sa I'm-a-bad-and-sarcastic-punk-music-lover-guy character niya. Grabe. Tangina Tolan. I love you!
And syempre, the author. Can you believe that this is Hannah Harrington's first novel? Grabe. Kudos to you! Sobrang galing mong mag-sulat! (Kahit hindi mo nababasa `to, ok lang. Lol.) You really can relate to other people.
And the music. Putangina. If you know what real music is, read this book and you'll get to thinkin'. Mararamdaman mo talaga na may alam yung author tungkol sa musika. May pinag-huhugutan talaga.
Sa lahat ng mga taong nalulungkot dahil nawalan ng mahal sa buhay. At sa lahat ng taong mahilig sa musika. Para sa inyo `to. I'll rate it more than 5 stars in Goodreads if I can, pero hanggang 5 lang eh. The best! :-bd

11.25.2011

Naisip ko lang naman..

Do you believe in God? Ang daling sabihing "Oo", hano? Lalo na kapag madaming dumarating na blessings galing sa Kanya. Lalo na kapag masaya ka, lalo na kapag maraming bagay na grateful ka.
Eh paano kung nabaliktad si Kapalaran? Paano kung puro kamalasan? Paano kung puro trahediya ang nangyayari sa buhay mo? Masasabi mo ba agad-agad ang, "Oo"?
Hindi mo masasagot `yan, kung nababasa mo man ngayon `to. Kasi wala namang nangyayaring ka-sumpa-sumpa sa buhay mo. Maaari din na, oo... marami kang problema. Mababang grades, peer pressure, drug addiction, yosi, red horse, nawalan ka ng trabaho, tambay ka, nakakulong ka ngayon, o nasa ospital ang isa sa mahal mo sa buhay... Buti pa nga yun eh, alam mong makakasama mo pa siya. May chance ka pa.
Eh na-try mo na bang mawalan ng mahal sa buhay? Ng kaibigan, kasangga, kapatid, asawa, anak, magulang? Kung oo, maaaring masasagot mo ang tanong ko. Pero kung hindi pa, mabuti naman.
Ako oo, nawalan na ako ng magulang. Mag-iisang buwan na sa isang araw. Siguro, sa perspective o sa point of view niyo, madali lang mag-move on. Pero hindi eh. Tangina. Sobrang hirap.
Gusto mong alisin sa memorya mo yung huling alaala mo ng taong mahal mo kasi ang hirap tanggapin na yun pa yung last memory mo sa kanya. Yun pa yung fresh. Yun pa yung mas madaling alalahin. Yung pinaka-nakaka-lungkot. Tangina eh noh? Bakit hindi na lang yung masasaya. Yung mga nangyari noon. Bakit hindi na lang yun? Bakit kailangan yun pang pinaka-ayaw mong senaryo sa buhay mo ang maalala mo gabi-gabi?
Sabi ni Popoy ng One More Chance, kaya daw tayo iniiwan ng mahal natin, eh baka may darating na "mas" hihigit sa taong yon. Bullshit yon. Magpapakamatay na lang din ako kung may darating na "hihigit" sa Daddy ko. Sabi ng iba, kaya daw may nangyayaring "bad things" sa buhay natin, kasi may darating pang masasaya. Bullshit din yan. Sa tingin ba nila, kapag umakyat ka sa entablado kapag kukunin mo na ang diploma mo, masaya ka na wala ang tatay/nanay mo? Sa tingin mo ba kapag kinasal ka na wala ang tatay/nanay mo, eh masaya ka? Sa tingin mo ba kapag nagka-anak ka, hindi mo maaalala na sana nandito pa siya? Sa tingin mo ba sa bawat birthday at Pasko at Bagong Taon na darating, hindi mo hihilingin na sana nandito siya sa tabi niyo?
Masama na ko kung masama. Pero bakit hindi na lang ang mga taong puro masama ang ginagawa sa mundo ang kinuha Niya? Bakit hindi lang si Ampatuan? Bakit hindi na lang si Gloria? Putangina lang. Bakit si Daddy pa? Putangina.
Naniniwala ako sa Diyos. Oo naman, naniniwala ako. Nagpapasalamat pa din ako sa Kanya sa mga bagay na binigay Niya sa amin. I never stopped believing.
Pero sa mga oras na napu-punyeta ang buhay mo, minsan maguguluhan ka na lang talaga.

If given another chance.

Kung bibigyan akong mabuhay ulit sa ibang taon, dekada, at bibigyan ulit ng isang pagkakataon sa buhay, eto ang mga gusto kong maging:

  • Unang una! Gusto kong maging isang... music photojournalist sa Dekada `60, `70, `80 at `90 tulad ni Ms. Niña Sandejas. Gusto ko din maging katulad niya. Kumuha ng mga litrato ng mga paborito kong banda na patuloy na gumagawa ng mga kantang may sense. Gusto ko din magpunta sa mga gigs at concerts hawak ang isang kamera. Tangina. Isa `to sa mga imposibleng pangarap ko.
  • Gusto ko maging journalist/writer/broadcaster/director/producer (o in short: media person). Yung meron akong personal space na babasahin ng mga mambabasa. Gusto ko ding ilabas ang mga saloobin ko sa mga nangyayari sa mundo without being judged.
  • Isang author. Tangina. Kung hindi lang ako tamad magsulat (o sa lahat na nga ata ng bagay), eh baka nakakailang libro na kong naisusulat. Kaya lang that's life.
  • Mabuhay sa taong 1880's sa America, preferably in Texas. (don't ask me why) Pwede din sa taong 1920's or 30's or 40's. Basta before World War II.
  • Marami pa akong madaming gustong maging. Kaya lang eh Showtime na, kaya manunuod muna ako...

11.23.2011

Letting go.

I think letting go of my course this semester, which is B.S. Bio would be harder than I thought because of the people who keep praising me about it. Ugh. I'm just happy my Mom already knew of my plan and was... uh, very tactful about it.
My decision is done and I'm trying hard not to have regrets (although I really don't regret it). But when I think about it, it makes me sad because I'm expecting (which is silly of me) to see disappointment in their faces when the time comes.
But this is my life, and I have every right to do what I want, and Lord knows I'm doing this for my Mom. It'll be the three of us left (my Kuya's going back to Saudi Arabia) on December 14 and we need to be there for her.

11.22.2011

“Sometimes you have to realize that certain people aren’t meant to be in your life no matter how much you want them to be.”

— Nakita sa Twitter ni @AdaPadolina. Hahaha! 

Reality bites. And it fucking hurts.

I finally opened my eyes, to this complicated and perplexed world. As Ms. Rowling once said in one of her books,“Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it.” Most of the times, I lied and told myself that some people doesn't change to the way you don't want them to be. But the truth is, they do. People change. Even the people you love and trust the most... they change. Even though I wish that they wouldn't, they eventually will.
At first, accepting it hurts. But then, I know bad things happen for a reason and even though it stings and it sucks ― losing the ones you love and trust that is, we eventually heal.
I lost so much this year ― I lost my Dad, my dreams, my hopes, my inspirations. And I think for a little while, because of the lies I told myself, I'm slowly losing the person that I was before. Changing to another person full of hate and belligerency. And because of that, I'm also losing the people that once liked and loved me.
I blinded myself by believing that once a person loves you, they won't leave. But guess what? They do. When I finally admitted that, I told myself that that's my cue to move on and make a change as well.
Two of my favorite quotes are from Sarah Ockler's novel Fixing Delilah. And these two sayings are the ones that keep me going forward.

“In your entire life, you can probably count your true friends on one hand. Maybe even on one finger. Those are the friends you need to cherish, and I wouldn't trade one of them for a hundred of the other kind. I'd rather be completely alone than with a bunch of people who aren't real. People who are just passing time.” 
“I was, but then I realized that I was holding on to something that didn't exist anymore. That the person I missed didn't exist anymore. People change. The things we like and dislike change. And we can wish they couldn't all day long but that never works.”

Life, it's hard and it sucks sometimes, but you know what? It's beautiful, too. Once we accept and open our eyes to the vast world full of hate, change, and anger.. we will finally see the world as an overwhelming place full of love.


11.21.2011

“But I believe good things happen everyday. I believe good things happen even when bad things happen. And I believe on a happy day like today, we can still feel a little sad. And that's life, isn't it?”

― Gabrielle Zevin, Elsewhere

Brown hair please!

Makiuso na ang makikiuso pero gusto ko talaga magpakulay ng buhok. Hanggang Photoshop na lang ba ako poreber? Hindi pa nga masyadong maganda yung edit ko eh. -__-"
Sorry, hair. Pero gusto na kita pabinyagan. Gusto ko ng tanggalin ang virginity mo. Huuuuuuu~
Anyway! Sorry sa pagka-vain ko. Lol. Eh kasi naman! =))))))))))))))
At oo. Yan lang ang kaya kong gawin sa Photoshop. Ajejejeje. XD

Eh kasi magalang ako! =))


Ayan ang personal message ng Daddy ni Jorenn sakin. (Hoy @JorennDelMundo, kapag ako eh niloloko mong hindi nga ikaw yan. Sasapakin talaga kita! XD)
Eh ayun. Hahahahahaha. Kinabahan naman ako talaga ng bongga kasi... natatakot talaga ako sa Daddy niya. -__-" Pero anyways, nakapag-constitute naman ako ng appropriate answer.


Pero kasi... HAHAHAHAHAHAHAHA! =))))))))))))))

11.18.2011

"All growing up means is that you realize no one will come along to fix things. No one will come along to save you."

ELIZABETH SCOTT, LOVE YOU HATE YOU MISS YOU

Details in the Fabric - Jason Mraz ft. James Morrison

Calm down
Deep breaths
And get yourself dressed instead
Of running around
And pulling all your threads saying
Breaking yourself up
If it's a broken part, replace it
But, if it's a broken arm then brace it
If it's a broken heart then face it
And hold your own
Know your name
And go your own way
Hold your own
Know your own name
And go your own way
And everything will be fine
Everything will be fine
Mmmhmm
Hang on
Help is on the way
Stay strong
I'm doing everything
Hold your own
Know your name
And go your own way
Hold your own
Know your name
And go your own way
And everything, everything will be fine
Everything
Are the details in the fabric
Are the things that make you panic
Are your thoughts results of static cling?
Are the things that make you blow
Hell, no reason, go on and scream
If you're shocked it's just the fault
Of faulty manufacturing.
Yeah everything will be fine
Everything in no time at all
Everything
Hold your own
And know your name
And go your own way
Are the details in the fabric (Hold your own, know your name)
Are the things that make you panic
Are your thoughts results of static cling? (Go your own way)
Are the details in the fabric (Hold your own, know your name)
Are the things that make you panic (Go your own way)
Is it Mother Nature's sewing machine?
Are the things that make you blow (Hold your own, know your name)
Hell no reason go on and scream
If you're shocked it's just the fault (Go your own way)
Of faulty manufacturing
Everything will be fine
Everything in no time at all
Hearts will hold

When I turn 18...

I'm planning to find a part-time job. Eh kasi... Sobrang daming bagay ang nagbago. Wala na si Daddy. Wala ng magta-trabaho para samin. Yung tipong, mare-realize mo na yung P100 eh malaking bagay na at dapat tipid-tipirin. Yung tipong sa bawat choices mo, hindi na sarili mo ang iisipin mo.

Tangina. Ang hirap i-explain... Pano ba?

Parang ganito... Gusto mong tumulong sa pamilya mo, pero at the age of 17 wala kang magawa. So you'll start to feel... useless. Yes. Tipong yung ginagastos mo eh makukonsensya ka na. And you'll start to look for ways to help the ones you love.

At ang unang una ko ngang naisip ay ang pag-transfer and to shift to another course, which is Civil or Mechanical Engineering and hopefully, makakuha ng scholarship agad sa first semester of the next school year. *crossfingers*

And of course, my second plan is to earn money on my own. Not because I want to be independent, but because I don't want to be a burden to those who're willing to sacrifice for me/us.

Sana lang, matupad ko yung second plan ko, kasi alam kong mahirap yun. Pero bahala na si Batman. And alam ko naman na tutulungan ako ni Lord sa lahat ng decisions ko ngayon.

Thank you Lord. And sana maka-graduate kami ni Dikong, and sana ok si Daddy. Kung nasan man siya ngayon. Sana lagi niyong gabayan si Kuya, kapag nakaalis na siya ulit. And sana po, bigyan niyo ng good health and long life si Mommy and to all my love ones na rin. Thank you po! O:-) <33

11.12.2011

Change in plans.

Simula ng nawala si Daddy, I lost interest in a lot of things. Unang-una ang pag-aaral. Shit lungs. Ayoko na mag-aral. Ayoko na pumasok. Ayoko na. Bigla na lang tumigil yung interes ko na pumasok. I dunno. Gusto ko andito ako sa bahay para samahan sila Mommy and Dikong. Para makasama si Kuya bago siya umalis. Para may kasama si Mommy kapag umalis na ulit si Kuya.
That's why I changed my mind. Nagbago na point of view ko sa buhay. Iba na ngayon. Hindi na dapat sarili ang iisipin dahil wala ng katuwang sa buhay ang magulang mo. That's why next semester, I'll shift to mechanical engineering here in Cabanatuan. For my Mom and for my Dad. Kasi kapag dito, hindi na siya mahihirapan sa tuition ko. Kapag dito, may makakasama siya. Kapag dito ako nag-aral, hindi siya mag-isa na haharapin ang mga problema kapag wala na si Kuya.
Altruism. It's a difficult word to know, but I'm slowly learning. I need to put others first instead of my own interest. Iba na ngayon. Wala ng magtataguyod para samin. Wala ng magbibigay ng luho mo. Wala ng mag-ispoiled sa'yo.
Eto gift ko sa'yo Daddy ngayon sa birthday mo. I'm sacrificing for Mommy, to make it easier for her. Mahal ko kayo eh. Kaya happy birthday Daddy. I miss you so much. I love you! 

11.10.2011

Hi, Daddy.

Kamusta ka na? Ok ka ba jan? Na-mimiss ka na namin, lalo na si Mommy. We're coping, Dad. And Mom and Kuya are doing a great job in disciplining us. Nagpapakabait na kami ni Dikong ngayon.

I still cry at night Daddy. Kapag naiisip kong wala ng sasagot ng mga tanong ko sa sports, o kaya sa politics. Sana may red horse jan Dy. Chaka sana makapag mahjong kayo nila Tatay Amang chaka ni Daddy two. Nga pala Dy, mag-shi-shift na ko ng course. Mag-me mechanical engineering na ko Daddy. Para sa'yo `to. Kung magaling ka sa gears, kakayanin ko din. Kung kailangan kong mag-mulihon ng pinyon, gagawin ko. Kakayanin ko lahat Dy para sa inyo nila Mommy.

Sa isang araw na sana ang 48th birthday mo. Kaya lang, hindi umabot eh. Eh `di sana nag-iinuman na kayo dito. Hindi mo naman hinintay na bugbugin ni Pacquiao si Marquez eh. Iniwan mo naman kami agad.

Hindi man nga lang ako nakapag-alam Daddy. Hindi man lang kita nayakap. Hindi ko man lang nasabi sa'yo na mahal na mahal kita. Hindi mo man lang ako hinintay na umakyat sa stage eh. Hindi mo na ko makikitang aakyat sa stage, na naka-toga. Hindi mo man lang ako hinintay para ihatid sa altar. Hindi mo man lang hinintay na magka-apo ka...

Ang sakit Daddy. Ang hirap pala ng Daddy's girl. Minsan bigla na lang matutulala tapos iiyak ng walang dahilan. Minsan, sa gitna ng klase, minsan sa gabi. Minsan kahit nagbabasa ako. Sobrang sakit Daddy. Para kong nawalan ng saysay na mabuhay sa mundo.

Kaya lang, maiisip ko na kailangan kong maging matapang at maging matatag para kay Mommy. Para sa'yo. Hindi namin siya papabayaan kasi alam kong kung andito ka, yun din ang gagawin mo. Kaya nga lilipat na ko ng school Daddy next sem. Para wala ng pinoproblema si Mommy sa school fees. Minsan kasi inaatake na naman ang back pains niya. Kapag nangyayari yun, naiiyak din ako. Kaya lang syempre tinatago ko. Kasi nga pinipilit kong maging matatag.

Kanina nakakita ako ng white na butterfly sa school habang pinag-uusapan namin ni Jorenn kung mag-shi shift ba ako. Siguro ikaw yun. At kung nasan ka man ngayon Dy, `wag kang mag-alala. Dahil kung nandito ka pa, hindi ka mabibigo.

I love you so much Daddy. Minsan, iisipin ko na ok lang na nasa Heaven ka na. At least jan, masarap. Hindi mo na kailangan magtrabaho, hindi mo na kailangan mag-intindi. Masaya din ako para sa'yo kasi at least, you're now free from suffering and pain. Sorry for all the thing we've done wrong, and for the times we disappoint you Daddy. We love you so much. Especially Mommy. I love you Daddy! I miss you so much!

11.06.2011

Why is this happening? O.o


My new schedule for the second semester sucks. Really, really sucks. :|

10.26.2011

Day 3: What kind of person attracts you?

Para sakin, kagaguhan yang tanong na yan. Not entirely, kasi naghahanap naman talaga tayo ng something kapag may bago tayong nakakakilala. Pero `di ba? Kapag nagkakaron tayo ng mga bagong kaibigan, for example ngayong college, hindi naman pinipili yung mga magiging kaibigan natin `di ba? Kusa silang dumadating sa buhay natin. And sa case naman ng love, hindi mo naman pinipili kung kanino ka maiinlove (I don't know sa case ng boys ha). Oo nga't may choice ka na umiwas pero sooner or later, kahit gaano pa kapangit ang mukha o ang ugali niyan, kung nainlove ka na nga, eh wala ka ng magagawa. You fell in love. Period.
Oh teka... Parang nalayo na ata sa usapan. Hahahahaha. Anyways! Ang gusto ko lang naman sa tao ay may sense of humor, hindi mayabang, at may sense kausap. (Ay teka, am I describing my Kuya?)

10.25.2011

What's keeping me busy these days!


Say hello to my cute (Just like me. Lol.) little puppy Schnauzer! Her name is Maggie and yes, she's sleeping. Napuyat kasi kalalaro kagabi. Hehehe. The name of the game is Nintendogs and it's a real-time pet simulation game published by Nintendo for Nintendo DS.
Yes, my family's really a Nintendo fanatic. From NES, Game and Watch, the first Gameboy (Yung may apat na battery tapos Super Mario lang ang laro namin nun. Hahaha), Gameboy color (Dalawa yung ganyan namen, tig-isa si Dikong at Kuya), Gameboy advance (Eto yung akin. Color pink. Lol. Kaya mas maganda yung akin kasi first honor ako nung elementary), Nintendo 64 (Parang NES `to kaya lang mas maganda. The Legend of Zelda naman ang laro namin dito), at Nintendo DS Lite (For everybody na `to. Hahaha). Gusto ko sana magka-Gamecube kaya lang walang available sa Philippines. Kaya ayun. Wala din kaming Wii kasi... Mas pinili namin ni Dikong ang tig-isang cellphone. Lololol.

Day 2: How have you changed in the past 2 years?

2 years? Eh `di ibig sabihen from 3rd year high school hanggang 1st year college? (Malamang) Um... Siguro, I grew up. More knowledgeable, kasi mas madaming natutunan. Wiser in making choices. Tougher, kasi maraming obstacles ang pinagdaanan. Mas grateful, kasi mas maraming blessing from God. Nag-mature, kasi mas madaming things na kailangang harapin seriously. Happier, kasi mas na-aappreciate ko na yung mga small things sa paligid ko. Organized, dahil nagpa-planner na ko. Productive, kasi ayaw ko na ng masyadong nag-poprocrastinate (But I still do. Hehehehe.).
Mas tumaba. Lol. Dumami ang pimples. Umitim (Tanginang PEP Squad). Dumami ang blemishes. Umikli ang buhok. Na humaba ulit. Tapos umikli ulit...
#Kthxbye.

10.24.2011

Day 1: Weird thing/s you do when you're alone.

Well. Hahaha. Siguro, isa sa mga pinaka-weird na bagay na ginagawa ko ay... I talk to myself when I'm alone. Often. Ewan ko ba, pero kapag nag-iisa ako, nagpa-practice ako kung ano sasabihin ko sa isang tao, kung paano ko sasabihin. Yung tipong mga ganun.
Tapos meron kasi akong ginagawa sa isip ko na parang manga (anime), tapos before I sleep at night, iniisip ko na yung next scene, ganito ganyan. Tapos when I'm alone, I voice them aloud.
Ewan ko ba. Pero siguro nakasanayan ko na kasi when I was a kid, I used to play with Barbie dolls. Tapos I always think of a story tapos I-da-dub ko si Barbie at si Ken. So ayun...
I want to write a book kasi. Or I want to make a manga series. Kaya nga lang, I lack the abilities and talents. Hindi ako matiyagang magsulat at hindi rin ako marunong mag-drawing, kaya ganyan na lang ang ginagawa ko.
So ayun. Hahahaha. :3

One Month Blog Challenge

(Source)

So, naisipan kong mag-blog challenge para naman may mai-blog ako sa araw araw. Hahahaha. nabubulok na kasi ang blog ko dahil wala akong maikwento dahil nga sembreak. So... ayon.

10.22.2011

"Lang..."

Putanginang shet? Lang? Nilalang-lang mo ang unibersidad na pinag-aaralan ko? Bakit? Kasi mahirap lang kami? Dahil isang state university lang kami? Dahil karamihan samin ay taga-baryo at anak ng magsasaka? Ganun ba yun? Dahil ba dun yon?

Putanginang shet eh. At least kami hindi puro pa-sosyal ang alam. At least kami pinapahalagahan namin ang binibigay na pampaaral ng magulang namin. At least kami kapag grumaduate, may alam kami.
At least sa amin, hindi naidadaan sa lakad ang mga professors. At least kami masisipag magturo ang mga guro. At least kami, gumugugol ng oras sa pag-aaral.

We make great innovations in agriculture, science, and industry. We top licensure exams. We have facilities na pinupuntahan ng lahat.

Baka magulat ka na baka 0.1% lang ng Pilipinas ang nakakaalam ng unibersidad na pinag-aaralan mo. Baka magulat ka na kapag pinagtanong mo ang unibersidad mo sa ibang parte ng Pilipinas, walang nakakaalam. Eh kami? May estudyante na mula ng Jolo hanggang Apari.

I am not bragging. Gusto ko lang malaman mo `wag kang magyabang, dahil wala kang maipagmamalaki. Kung hindi ka lang din naman sa The Big Four ng Pilipinas nag-aaral, `wag kang magyabang.


ANG MAGALING NA UNIBERSIDAD, HINDI NAG-EENDORSE. DINADAYO SILANG KUSA. BAKIT? KASI SADYANG MAGALING LANG TALAGA SILA.




10.19.2011

Nalaman kong...

Marami akong natutunan sa pagbabasa ko ng Western and Romance novels. (Oo, isa akong romance-novel-bookworm.) Mga lessons tungkol sa pag-ibig, sa buhay, at sa kung anu-ano pa. At since, tinatamad akong mag-type in paragraph form, let's do it in bullets.
Mga Nalaman sa Romance Novels 101:
  • Una, nalaman kong sa libro (or movies) lang madalas nangyayari ang mga nakakakilig na ginagawa ng mga lalake.
  • Nalaman kong bihira sa totoong buhay ang mga lalaking ganon.
  • Nalaman ko ding, bihira ang lalake sa totoong buhay ang magkukusang alamin ang gusto mo kung hindi mo pa sasabihin.
  • Nalaman ko na bihira ang mga lalakeng sasabihan ka ng matatamis na salita (yung hindi mangongopya sa internet).
  • Nalaman kong ang nakakakilig na cliché stories sa romance novels, ay sa romance novels lang nangyayari. Bihira sa totoong buhay yon.
  • Nalaman kong fictional characters lang talaga si Prince Charming at si Edward Cullen.
  • Nalaman ko ding bihira ang mga lalakeng nag-eeffort ng bongga para sa mga taong mahal nila.
  • Pero. Isang malaking pero. Nalaman ko din makuntento. Nalaman kong makuntento sa mga bagay na binibigay sakin ni God ngayon. Nalaman kong makuntento sa pagmamahal na binibigay ng nobyo ko sakin. Oo nga, malungkot kapag iisipin ko na sana ako din, ganito ganyan. Pero naisip ko din na, binigyan ako ni God ng sarili kong love story, at dapat na kong matuwa don. Hindi dapat ako mainggit dahil binigyan Niya ko ng napakabait na nobyo.
Siguro nga, tama sila. Minsan, hindi natin nakikita ang halaga ng isang tao hangga't hindi sinasampal sa pagmumukha natin. Matuto tayong pahalagahan kung ano ang meron tayo. Dahil sa maniwala ka man o sa hindi, hinding hindi tayo bibigyan ni Lord ng mga bagay na second best. Laging first class. Lalo na, kung five star din ang pagmamahal at pasasalamat mo sa kanya. ♡

10.16.2011

Today My Life Begins by Bruno Mars


I've been working hard so long
Seems like pain has been my only friend
My fragile heart's been done so wrong
I wondered if I'd ever heal again
Ohh just like all the seasons never stay the same
All around me I can feel a change (ohh)
I will break these chains that bind me, happiness will find me
Leave the past behind me, today my life begins
A whole new world is waiting it's mine for the takin'
I know I can make it, today my life begins
Yesterday has come and gone
And I've learnt how to leave it where it is
And I see that I was wrong
For ever doubting I could win
Ohh just like all the seasons never stay the same
All around me I can feel a change (ohh)
I will break these chains that bind me, happiness will find me
Leave the past behind me, today my life begins
A whole new world is waiting it's mine for the takin
I know I can make it, today my life begins
Life's too short to have regrets
So I'm learning now to leave it in the past and try to forget
Only have one life to live
So you better make the best of it
I will break these chains that bind me, happiness will find me
Leave the past behind me, today my life begins
A whole new world is waiting it's mine for the takin
I know I can make it, today my life begins

I will break these chains that bind me, happiness will find me
Leave the past behind me, today my life begins
A whole new world is waiting it's mine for the takin’
I know I can make it, today my life begins
Today my life begins...