10.19.2011

Nalaman kong...

Marami akong natutunan sa pagbabasa ko ng Western and Romance novels. (Oo, isa akong romance-novel-bookworm.) Mga lessons tungkol sa pag-ibig, sa buhay, at sa kung anu-ano pa. At since, tinatamad akong mag-type in paragraph form, let's do it in bullets.
Mga Nalaman sa Romance Novels 101:
  • Una, nalaman kong sa libro (or movies) lang madalas nangyayari ang mga nakakakilig na ginagawa ng mga lalake.
  • Nalaman kong bihira sa totoong buhay ang mga lalaking ganon.
  • Nalaman ko ding, bihira ang lalake sa totoong buhay ang magkukusang alamin ang gusto mo kung hindi mo pa sasabihin.
  • Nalaman ko na bihira ang mga lalakeng sasabihan ka ng matatamis na salita (yung hindi mangongopya sa internet).
  • Nalaman kong ang nakakakilig na cliché stories sa romance novels, ay sa romance novels lang nangyayari. Bihira sa totoong buhay yon.
  • Nalaman kong fictional characters lang talaga si Prince Charming at si Edward Cullen.
  • Nalaman ko ding bihira ang mga lalakeng nag-eeffort ng bongga para sa mga taong mahal nila.
  • Pero. Isang malaking pero. Nalaman ko din makuntento. Nalaman kong makuntento sa mga bagay na binibigay sakin ni God ngayon. Nalaman kong makuntento sa pagmamahal na binibigay ng nobyo ko sakin. Oo nga, malungkot kapag iisipin ko na sana ako din, ganito ganyan. Pero naisip ko din na, binigyan ako ni God ng sarili kong love story, at dapat na kong matuwa don. Hindi dapat ako mainggit dahil binigyan Niya ko ng napakabait na nobyo.
Siguro nga, tama sila. Minsan, hindi natin nakikita ang halaga ng isang tao hangga't hindi sinasampal sa pagmumukha natin. Matuto tayong pahalagahan kung ano ang meron tayo. Dahil sa maniwala ka man o sa hindi, hinding hindi tayo bibigyan ni Lord ng mga bagay na second best. Laging first class. Lalo na, kung five star din ang pagmamahal at pasasalamat mo sa kanya. ♡

No comments:

Post a Comment