Siguro, isa na sa pinaka masaya sa buhay natin ay ang mga araw na wala tayong iniisip. Yung tipong gigising tayo sa umaga, pero hindi pa tayo babangon. Yung tipong tititigan muna natin ang kisame ng matagal na matagal at mangangarap. Tapos kapag tumunog na yung sikmura mo, chaka ka palang babangon at maghahanap ng makakaen sa ref o sa table. At kapag nakakita ka na ng pagkaen na trip mo, chibog ka na. At kapag busog ka na, magpapahinga ka muna.
Tapos matatanaw mo yung computer. Bubuksan mo at mag-ne-net ka na porebs. Tapos hindi mo mamamalayang tanghali na pala. Tapos tatawagin ka na ng mother dear mo. Kainan porebs na naman. Pagka-kaen, kung mediyo sinisipag-sipag ka, eh maliligo ka na. Pero syempre, yung iba mas trip hindi maligo. Lalo na kapag maginaw. `Di ba? At kapag kaligo mo, kapag mediyo sineswerte ka din at walang nakaupo sa harap ng computer, eh mag-ne-net porebs ka ulit.
Tapos kunwari hindi mo napansing mag-ga-gabi na pala. At kakaen na naman. Kung minamalas ka, papalayasin ka na ng kapatid mo. Pero syempre, hindi ka muna tatayo agad. Makikipag-away ka muna. Sasabihin mong kauupo mo palang o kaya may ginagawa ka. Pero syempre joke lang `yon kaya no choice ka at tatayo ka pa din. Pero kung swerte ka talaga, ikaw ulit mag-co-computer. Tapos hanggat hindi pa nagpaparamdang pagod na ang mata mo, gising ka hanggang madaling araw. Tapos matutulog at gigising ulit.
Pero mas the best yung gigising ka sa umaga, tapos magka-kape ka. Tapos mararamdaman mong tatawag si nature. At ilalabas mo lahat lahat. `Di ba? Ang successful kaya ng feeling.
`Wag ka ng magkaila, alam kong nag-e-enjoy ka din kapag tumatawag ang kalikasan sa'yo.
No comments:
Post a Comment