10.01.2011

September 27, 2011.

The night before, talagang tamad na tamad ako magbasa ng notes. I know, ganun talaga ako. Haha. Pero ibang katamaran, yung tipong nararamdaman kong postponed yung exam. Yung vibes na ganun. Kaya habang nagkukulitan kami ng mga ka-dorm ko sa bed ko, nakatulog ako. Lol.

Tapos pag-gising ko, ang dilim dilim. Parang madaling araw. Tapos nung tiningnan ko yung phone ko, aba'y alas siyete na. Eh `di gising naman ako kasi may 7AM class ako. Tapos nun pala, dumating na si Pedring.

GM dito, GM doon. Hindi mo alam kung kanino ka maniniwala. Eka nung isang text, walang klase. Eka nung isa, meron daw. Eh jusko, napakalakas ng hangin at ng ulan kaya ayokong pumasok `noh. Tapos yung president naman ng student council eh sabi ng sabi ng may pasok, buti na lang nag-announce sa radyo tsaka si VPAA na wala nga daw.

Eh `di saya naman namin. Hahahaha. Yun nga lang, walang kuryente, walang tubig, at bawal lumabas ng dorm. Badtrip lungs dahil gutom na ako. Pero dahil napakalakas talaga ng hangin, matatakot ka talaga lumabas. Hahaha. So hinintay pa namin humina bago kami bumili ng pang-survive for the rest of the day.

At pagkatapos namin mag-lunch, wala kaming magawa. As in. Lowbat ang cellphones, ang laptops, at walang ilaw para mag-review. Kaya nag-PANTS na lang kami! Hahaha. Inaya ko sila maglaro kasi inip inip na ko. Yung places, animals, names, things. Yon. Hahaha. Para kaming mga baliw sa kakatawa at feeling ko, kami lang ang room na maingay. =))

Pagkatapos namin maubos ang mga letters ng alphabet, nag-isip na naman kami ng laro. Eh `di Pinoy Henyo naman. Hahahaha. Para kaming tangang anim nila Nerisse, Jean, Apolyte, Nelle, at Michelle. Hahaha. Laptrip lungs. Tapos mga hindi pa nasiyahan. Nag-aya pa ng charade. Hahaha.

Ang pinaka-memorable na mga performances ay ang "It Might Be You" na ipapahula ko. Akala nila mahihirapan ako, but well. Hahaha. Nag-simula ako sa "Be" kaya ang ginawa ako ay ang sayaw ni Jollibee. Hahahaha. Laptrip talaga.

Tapos hindi namin namalayan, eh malapit ng mag-dinner. Kaya nag-luto kaming mga talunan. Monggo ang ulam namin at ang sarap ng pagkaka-luto!

Kaya ayun, after dinner pagod na pagod kami ng wagas. Hahaha. It's been a long day kaya nakatulog na kami agad. Although takot na takot ako that day, mediyo nawala na yung pag-aalala ko. Thank you Lord! For keeping us safe. Lalong lalo na yung mga pamilya po namin na malayo sa amin that day. The best ka Lord! O:-) :-bd

No comments:

Post a Comment