10.03.2011

Siguro...

Nandiyan pa din yung mga taong patuloy na manghuhusga sa'yo. Yung tipong nag-post ka sa isang Social Networking site ng mga ginagawa mo sa school, sasabihin nang,"Nag-aral lang sa ibang lugar eh. Hindi naman `din kalayuan." Sabay irap.
Siguro, sa bawat picture na pino-post mo kasama ang mga bago mong kaklase, sasabihin nang,"Porket nag-iba lang ng school, kinalimutan na ang mga dating kaibigan."
Siguro sa bawat post mo na ang saya saya mo dahil sa isang achievement mo sa school, sasabihin nang,"Kayabang naman. Nag-aral lang sa ibang school, lumaki na ulo."
At siguro, sa bawat rant mo sa minor subjects at profs mo, sasabihin nang,"Puro naman `to reklamo. Eh `di `wag ka nang mag-aral."

Oh `di ba? Ang judgemental ng mga tao. Kahit anong gawin mo, hahanap pa din yan ng butas para makakita ng mali sa'yo. Hahanap at hahanap `yan ng mga mali sa pag-uugali mo at sisiraan ka na sa ibang tao.
It's pure human nature. Ganun talaga eh.
Pero tawanan mo na lang. Bakit? Kasi ganyan talaga yung mga taong walang malang gawin sa buhay. Sa bawat minutong tayo lagi ang nakikita nila, sila din naman ang laging nakikita ni Lord.
Let them. Kaya ka nila pinapababa, isa lang ang ibig sabihin `non. At yun ay dahil nasa taas ka nila.

No comments:

Post a Comment