11.18.2011

When I turn 18...

I'm planning to find a part-time job. Eh kasi... Sobrang daming bagay ang nagbago. Wala na si Daddy. Wala ng magta-trabaho para samin. Yung tipong, mare-realize mo na yung P100 eh malaking bagay na at dapat tipid-tipirin. Yung tipong sa bawat choices mo, hindi na sarili mo ang iisipin mo.

Tangina. Ang hirap i-explain... Pano ba?

Parang ganito... Gusto mong tumulong sa pamilya mo, pero at the age of 17 wala kang magawa. So you'll start to feel... useless. Yes. Tipong yung ginagastos mo eh makukonsensya ka na. And you'll start to look for ways to help the ones you love.

At ang unang una ko ngang naisip ay ang pag-transfer and to shift to another course, which is Civil or Mechanical Engineering and hopefully, makakuha ng scholarship agad sa first semester of the next school year. *crossfingers*

And of course, my second plan is to earn money on my own. Not because I want to be independent, but because I don't want to be a burden to those who're willing to sacrifice for me/us.

Sana lang, matupad ko yung second plan ko, kasi alam kong mahirap yun. Pero bahala na si Batman. And alam ko naman na tutulungan ako ni Lord sa lahat ng decisions ko ngayon.

Thank you Lord. And sana maka-graduate kami ni Dikong, and sana ok si Daddy. Kung nasan man siya ngayon. Sana lagi niyong gabayan si Kuya, kapag nakaalis na siya ulit. And sana po, bigyan niyo ng good health and long life si Mommy and to all my love ones na rin. Thank you po! O:-) <33

No comments:

Post a Comment