I still cry at night Daddy. Kapag naiisip kong wala ng sasagot ng mga tanong ko sa sports, o kaya sa politics. Sana may red horse jan Dy. Chaka sana makapag mahjong kayo nila Tatay Amang chaka ni Daddy two. Nga pala Dy, mag-shi-shift na ko ng course. Mag-me mechanical engineering na ko Daddy. Para sa'yo `to. Kung magaling ka sa gears, kakayanin ko din. Kung kailangan kong mag-mulihon ng pinyon, gagawin ko. Kakayanin ko lahat Dy para sa inyo nila Mommy.
Sa isang araw na sana ang 48th birthday mo. Kaya lang, hindi umabot eh. Eh `di sana nag-iinuman na kayo dito. Hindi mo naman hinintay na bugbugin ni Pacquiao si Marquez eh. Iniwan mo naman kami agad.
Hindi man nga lang ako nakapag-alam Daddy. Hindi man lang kita nayakap. Hindi ko man lang nasabi sa'yo na mahal na mahal kita. Hindi mo man lang ako hinintay na umakyat sa stage eh. Hindi mo na ko makikitang aakyat sa stage, na naka-toga. Hindi mo man lang ako hinintay para ihatid sa altar. Hindi mo man lang hinintay na magka-apo ka...
Ang sakit Daddy. Ang hirap pala ng Daddy's girl. Minsan bigla na lang matutulala tapos iiyak ng walang dahilan. Minsan, sa gitna ng klase, minsan sa gabi. Minsan kahit nagbabasa ako. Sobrang sakit Daddy. Para kong nawalan ng saysay na mabuhay sa mundo.
Kanina nakakita ako ng white na butterfly sa school habang pinag-uusapan namin ni Jorenn kung mag-shi shift ba ako. Siguro ikaw yun. At kung nasan ka man ngayon Dy, `wag kang mag-alala. Dahil kung nandito ka pa, hindi ka mabibigo.
I love you so much Daddy. Minsan, iisipin ko na ok lang na nasa Heaven ka na. At least jan, masarap. Hindi mo na kailangan magtrabaho, hindi mo na kailangan mag-intindi. Masaya din ako para sa'yo kasi at least, you're now free from suffering and pain. Sorry for all the thing we've done wrong, and for the times we disappoint you Daddy. We love you so much. Especially Mommy. I love you Daddy! I miss you so much!
No comments:
Post a Comment