- Mayabang. Ayoko ng mahangin, mayabang, maangas. Lalo na yung mga taong wala namang ipagmamayabang. Okay lang mag-kwento ng totoo, pero `wag nang mag-imbento.
- OA. Ayoko ng OA. Yung tatawa, yung makikipag-usap, yung lahat eh ginagawan ng ka-OA-an. Nakakainis lang.
- Maarte. Okay lang sakin yung mga maarteng MAGAGANDA. Natutuwa pa nga ako sa kanila kasi "bagay" sa kanila. Pero kapag PANGIT ka, aba `teh, `wag kang assuming, hindi bagay sa'yo.
- Papansin. Ay seryoso, nakakainis lang. Yung mga taong gagawa ng kung ano-ano basta lang mapansin at gustong sumikat. `Wag na kasing trying hard, sa ayaw ka ngang pansinin eh.
- Nagmamagaling. Kung hindi lang din naman ENCYCLOPEDIA o GOOGLE ang pangalan mo, tumahimik ka na lang at `wag ng magsalita. Jusko. Kapag may certain topic na pinag-uusapan, bigla na lang magiging "professional" sa topic na yun. Parang nung laban ni Pacquiao, lahat na lang ng tao naging "boxing analyst". Nakakapika lang.
12.06.2011
Day 5: 5 things that irritate you about the opposite/same sex.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment