- Music. Sino ba naman kasi ang hindi kayang pasayahin ng musika, di ba? Ako, talagang alternative rock ang pinapakinggan ko kapag-nagi emo ako. Hahaha! Nakakawala kasi ng stress para sakin yung mga instruments na nagwawala. Lels. De, seryoso. Yun nga. Kapag malungkot at nalulumbay ako, hindi ko pinipilit yung sarili ko na makinig ng masasayang kanta. Mag-i emo pa ko lalo, tapos bigla ko na lang marerealize na mukha na pala akong gago. Yown. Hahaha.
- Mura. Ay shet. Eto ang remedy ko kapag badtrip ako. Simple. Mag-mura ka lang. Hindi ako nag-mumura na may kasama sa dulo tulad ng,"Putangina mo!" o kaya eh,"Punyeta ka!". Mura lang talaga. Simpleng putangina o punyeta. Hindi ako nagmumura ng isang particular person. Pwera na lang kung may rason talaga ako para murahin siya.
- Reading. One of my guilty pleasures na lagi naming pinag-aawayan ng nobyo ko. Kasi kapag hindi ko na sinasagot ang tawag niya, o hindi na ko nagrereply sa texts niya, isa lang ang ibig sabihin non. Haha! Eh kasi naman, nawawala talaga ako sa present na mundo kapag nagbabasa ako. Hahahaha. Kasi kapag nagbabasa ako o ang isang tao, gumagana ang imagination. Kaya hindi ko na mapapansin yung mga worries at problema ko, kasi nga pilit kong iniisip yung mga scenes sa binabasa ko.
- Jorenn. Siya naman talaga ang tagapag-pawala ko ng problema. Chos. Ano siya, problem solver? De, seryoso. Kapag nandiyan na siya, masasabi ko na lahat ng problema ko, lahat ng mga worries ko, lahat ng mga bagay na nagpapatuliro sakin. Kaya kayo, mag-boyfriend na din kayo. Hahaha! De, joke lang. Pero masarap talaga kapag may nobyo ka, instant bestfriend at instant lahat.
- Praying. Hoy, kahit hindi ako nagsisimba, nagdadasal ako! Ayoko kasi sa simbahan, given the fact na baka masunog ako, I also have an outspoken hate for priests. Hindi dahil sa Noli Me Tangere ni Jose Protacio Rizal, pero dahil ayoko talaga sa kanila.
Gusto ko sana isali ang "Family", pero since napaka-platitude naman non, kaya `wag na. Understood na yon. So yun! :-bd
No comments:
Post a Comment