12.17.2011

Eh kasi naman.

Nakaka-flatter o nakakakilig nga yung mga lalakeng todo-effort sa panliligaw at sa pag-sosorry sa mga nililigawan at girlfriend nila, pero hindi yun rason para kainggitan niyo sila. Kasi dadating yung time na baka sa sobrang taas ng expectations niyo na gagawin sa inyo yun ng mga manliligaw at nobyo niyo, baka sobrang ma-disappoint lang kayo kapag hindi nila magawa yung gusto niyo.
I appreciate videos like the one I watched earlier (nanliligaw), at kinikilig pa nga ako. I also find other people's relationships cute and sweet, pero hindi naman natin sila kailangan kainggitan. Marahil nagsasawa na kayo marinig yung saying na "Sinusulat lang ni God ang love story mo, maghintay ka lang", pero totoo yon. May mga tao lang naman na pinalad mahanap ang mga soulmates nila ng mas maaga.
I'm in a relationship for exactly 23 months and one day right now at masasabi kong hindi todo effort ang nobyo ko sa pagsusurprise sakin. But that's perfectly fine. Kasi I'm not expecting anything. Expectations lead to disappointment, eka nga. (And probably because I hate surprises, kasi nga ayaw ko ng disappointment kaya I point out what I like. :p) And I think that's also why nagtagal kami. Hindi ako nag-eexpect ng todo, kaya masaya ako sa relationship at partner ko.
At chaka iba-iba ang mga lalake. Hindi naman sila pare-parehong creative at mayaman. Hindi naman manghuhula ang mga manliligaw at nobyo niyo na gusto niyo pala ng flowers with matching balloons, o kaya eh banner na nagsasabing mahal nila kayo.
Matuto tayong tanggapin ang kung ano at sino ang meron tayo. Matuto tayong makunteto sa kung ano at sino ang binigay ng Diyos sa atin. Hindi man pare-pareho ang love story ng mga tao, pero para sa dalawang taong nagmamahalan ng totoo, sa palagay ko yun lang eh, todo-todo nang panalo.

No comments:

Post a Comment