12.27.2011

Opinyon ko `to. Bawal magulo. Walang basagan ng trip.

Hindi ako sang-ayon sa pari na nag-Homilee samin nung huling gabi ng Simbang Gabi. Sabi niya kasi, mga Katoliko lang daw ang legit na simbahan. Kasi daw gawa lang daw ng tao ang JIL, Protestant, Methodist, etc.
Hindi naman sa binabastos ko siya, kaya lang `di ba? Bullshit naman `yon. Para sakin, pare-pareho lang tayo. Ano mang relihiyon, sino man ang sinasamba natin. Pare-pareho lang `yon. Iba iba man ang tawag natin sa Panginoon, naniniwala ako na iisa lang ang Diyos na sinasamba natin. Iba iba man ng tradisyon ang bawat relihiyon, naniniwala pa din ako na para sa Panginoon, Siya pa rin ang tinatawag nating lahat.
Paano tayo magkaka-World Peace kung ganyan ang ibang pari? Kung manglait, akala mo kung sino perpekto. Yung Protestant daw, si Martin Luther ang nagtatag kaya hindi legit na simbahan `yon. Yung Methodist daw tao lang din ang nagtatag. Pero baka po nakakalimutan niyo father, Kristyano din sila. Si Hesu Kristo pa din ang sinasamba nila. Ang kaibahan lang? Wala silang mga pari na katulad mo. Na kung magdikta eh, daig mo pa ang pinuno ng North Korea.
Sinasabi sa Bibliya na kailangan nating magmahalan lahat. Pero bakit ikaw, hindi mo silang magawang mahalin kung ano sila? Para sakin, kahit ano pang relihiyon ang meron ang isang tao, kahit gaano pa kadami ang kasalanan na nagawa niya sa mundo, mahal pa din siya ng Diyos.
Gusto mong respetuhin ng ibang relihiyon ang relihiyon mo, pero ikaw, kung makapag-sermon ka, akala mong nang-be brainwash lang. Gusto mong magalit kami sa ibang relihiyon dahil "tinatag lang sila ng ibang tao". `Wag ganun father. Matuto tayong respetuhin kung ano ang opinyon at desisyon ng bawat isa. Kung gusto mong mahalin ka, matuto ka ding mahalin sila. Vice versa. Hindi ba't pari ka? Bakit hindi ka marunong magpakumbaba? Eh kung binato ka kamo ng bato, eh `di batuhin mo ng tinapay. Walang problemang malulutas kung habang buhay kayong magbabatuhan ng kung anong mali na pilit niyong nakikita.
Ngayon alam niyo na kung bakit ayaw ko sa mga pari.

No comments:

Post a Comment