12.24.2011

Day 23: Something you always think as "what if..." about.

Eto na yata ang pinakamasakit na tanong na na-encounter ko. Hindi naman siya mahirap sagutin dahil meron naman talaga ako sagot para dito, pero masakit lang kasi alalahanin yung mga nangyari.
These are the things I think of when I'm asking myself "What if?": What if my Dad told us that he's sick? What if we brought Daddy to the hospital earlier? What if he didn't gave up? What if we were given a chance to talk and tell him how much we love him before he left?
`Di ba? Ang sakit sakit. Hindi man lang namin alam na may sakit siya. Hindi man lang namin alam na may nararamdaman pala siya. Then one day... boom. Wala na. Wala ka man lang kamalay-malay na may iniinda na pala siyang sakit. Na one of these days, hindi na niya kaya. Hindi man lang niya sinabi samin.
Yan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Masakit. Sobra. Walang araw na hindi ko siya maiisip. Lalo na ngayong Pasko. Kaya lang, wala na eh. Wala na. Wala na kong magagawa kundi tanggapin na sa buhay, may mga bagay talagang ganun na nangyayari.

Sabi nga sa kantang Breakeven ng The Script,"They say bad things happen for a reason. But no wise words gonna stop the bleeding."
Kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na sa magulang mo habang nandiyan sila kung gaano mo sila kamahal. Iparamdam mo na lahat ng pagmamahal na dapat mong isukli sa kanila. Dahil sa bawat taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, at segundong lumilipas, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Magpasalamat ka na hanggat kaya mo. Dahil napaka-daming taong humihingi ng pagkakataon na kahit isang minuto lang, mapasalamatan at masabi man lang nila kung gaano nila kamahal ang magulang nila.

No comments:

Post a Comment