12.17.2011

Day 17: Things that make me scared.

Dami. Dami akong phobia eh. Ummm, I'll write it in bullet form (para cute). Hahaha! Here they are:

  • Arachnephobia. Fear of spiders. Takot ako sa gagamba at hindi ko alam kung bakit. Ok? Hahahaha. Hindi takot sa turok at sa kung ano-ano pang injections pero takot sa gagamba. Weird ako, eh. :p
  • Catoptrophobia. Fear of mirrors. Sa gabi lang naman! I have this mirror in my room at inaalis ko siya gabi-gabi dahil natatakot ako na baka kapag nagsasalamin ako every night, biglang may katabi akong nagsasalamin. And nakatapat kasi siya sa bed ko. Additional info: My Kuya did the same thing when he came home from abroad and we switched rooms. Inalis din niya yung mirror kasi ang creepy. :p
  • Chronophobia. Fear of time. Hindi ko alam kung bakit, pero dati, takot na takot ako na biglang ang bilis ng oras na lumipas at wala pa kong nagagawang productive sa buhay ko. So ayun. That's why I stopped reading for a while. Huuu~
  • Claustrophobia. Fear of confined spaces. Just a little bit. Nung nasa Phil. Heart Center kami, kung hindi ko kasama yung mga cousins ko, hindi ako sasakay sa elevator kasi masyadong confined and wala kang makikita. Ok lang sakin yung mga elevators na may makikita ka, katulad nung nasa SM malls, etc.
  • Entomophobia. Fear of insects. Most insects lang naman. Considering the fact that there may be a million species of insects all over the world, most lang naman. :p
  • Scoleciphobia. Fear of worms. I wasn't afraid of them until there came a time when some maggots dropped from the ceiling to my room. Shit. Ilang buwan akong hindi pumasok at natulog sa kwarto ko. And nadagdagan pa dahil sa earthworms. Lalo na nung nalaman kong Biology students are supposed to dissect them. Tangina. Hindi ko kaya. Tangina lang. (Kasalukuyang kinikilabutan po ako.)
  • Katsaridaphobia. Fear of cockroaches. Ay puta. Sinong hindi natatakot sa flying ipis?! Sabihin niyo sakin. Putangina. Walang lalaking macho sa ipis na lumilipad. Tandaan niyo `yan!
Ayan. Hahahaha! I could go on, pero yan na lang. =))))

No comments:

Post a Comment