Si Kuya, mahilig sa action figures `yon. Kaya puro ganoon ang laruan niya. Mga WWE wrestlers, si RoboCop, atbp.
Si Dikong naman, LEGO at K'NEX.
Tapos ako? Barbie dolls. Kagulat noh? Pero oo. Barbie ang hilig ko noon. Actually, hanggang ngayon. Hahaha. May collection kasi ako ng Barbie. From Barbie to Ken to Kelly. Madami din akong damit ni Barbie, some binibili some tinatahi ng Ninang ko na once nag-trabaho for Mattel. At syempre, ang shoes. Haha. Lahat ng pinsan kong babae at pamangkin kong babae, kapag pupunta samin, aayain dati ako agad mag-Barbie. Siguro dun din ko ginusto maging:
- Author. Kasi nga, kapag naglalaro ako, gusto ko may kwento. Yung may plot at may story line talaga. Yung characters, gusto ko may distinct personality.
- Interior Designer. Kasi nga, kapag naglalaro ako noon, syempre dine-design-an ko ang bahay ni Barbie. Yung bedroom niya, yung living room. Pati nga banyo meron ako eh. Hahahaha. Umiihi kasi yung Kelly ko. Har har. =))
So `yun, yan ang childhood ko. Weird dahil totomboy-tomboy ako sa school noon (hanggang ngayon), pero napaka-laking bagay ng Barbie dolls sa buhay ko. And of course, kung magkakaroon kami (what the fuck? hahaha) ng anak na babae, ipapamana ko sa kanya ang collection ko. ;)
No comments:
Post a Comment