6.24.2011

What happened last week at school.

Eherm. Lol.


Tuesday. Bumalik na kami sa C.L.S.U. dahil sinulit namin ang long weekend sa bahay nila Karen and Jorenn. HAHAHA. Hindi naman hassle kahit 7AM pasok ko. Sarap nga sa byahe eh. Tapos pagdating namin sa Muñoz, biglang ginaw! As in parang Baguio. 


Tapos laboratory experiment. Ayun, pork liver yung isa sa mga experiments na lalagyan ng hydrogen peroxide tapos yun pa yung natapat sakin. Ang lansa lang! -_____- Pero ok lang kasi at least nagka-experience ako. =))))) So `yun, pumasok... Umuwi sa dorm... Kumaen... Hahahaha.


Wednesday. Nag-quiz sa Math. Tapos nakasundo ang mga classmates better! Hindi na ko masyadong naiilang. :-D :-bd


Thursday. I.D. day. Kaya na-suspend ang 3 hours laboratory. Hahahaha. Tapos P.I. lang ang naging klase ko that day kasi wala ding Filipino. Swerte namen! =))))))))))


Friday (Kanina). Nag-aerobics sa open field kanina tapos umulan! May mga epal na humarang sa gate tapos inaway ko. Hahahaha. Kainis eh! Tapos hinila ko ng ka-dorm ko (Jessa) tapos sabi,"Tiny lika na." Hahaha. Natawa ko dun kasi gusto ko na talaga suntukin yung hinayupak na lalake na `yon! Hugutin ko yung braces niya eh.


Tapos dahil nga umulan at wala akong payong at napakalayo ng open field hanggang dorm, nabasa ako ng bonggang bongga. Eh may NSTP pa kame. Hindi na ko pumasok. Hahaha. Eh `di ako na tamad. =))))


Tapos umuwi na kami! At sa wakas hindi standing sa bus at masaya ang biyahe namin nila Karen, Angge, Jenna, Joms, at Jorenn. :-bd

No comments:

Post a Comment