6.02.2011

Ma-mi-miss ko ang kwarto ko.

Madami akong ma-mi-miss panigurado `yun. Unang-una na ang kwarto ko. Yung kwarto na nag-bigay sakin ng solacement kapag umaatake ang pagka-misomaniac ko. Yung tipong gusto kong murahin lahat ng tao. Dito ko ginagawa `yun. Yung mag-soundtrip at magkulong buong araw. O kaya naman eh, mag-basa at mag-muni muni araw-araw. Dito ako umiiyak kapag gulong-gulo na ko sa buhay ko. Dito ako nagsusulat o nag-iisip ng mga pangarap ko. At kapag naman napag-ti-trip-an ko mag Lazy Day, syempre dito ko din ginagawa yun. Yung tipong nakahilata ka lang. Hayaan lang ang mundo at ang mga tao. Hayaan lang ang mga trip nila at murahin ang babasag sa trip ko. Yung tipong mga ganun. Kaya sa kwarto ko, ma-mi-miss kita. =))

No comments:

Post a Comment