Dati nung bata pa ako (hanggang ngayon), lagi kong kinakausap si Lord. Sabi ko,"Kung pwede lang po na yung mga taong gusto ng mamatay, ibibigay na lang dun sa mga taong gusto pang mabuhay." Kapag nag-e emo-emohan ako, lagi kong iniisip yun.
Kung pwede ko lang ibigay yung buhay ko sa isang bata o taong may kanser, gagawin ko. Kung pwede lang ibigay yung buhay ko sa isang taong marami pa ang nangangailangan, gagawin ko. Walang ka-ipokritahan.
Hindi naman sa ayaw ko mabuhay dito sa mundo. At hindi din naman sa hindi ako thankful na pinahiram ako ng buhay ni Lord. Masaya ako sa buhay ko. Pero kapag kasi nakakakita ako ng mga taong nawawala sa mundo, halimbawa isang bata, parang sinasabi ko sa sarili ko na,"Ok naman na ko dahil nakaranas na ko ng labingpitong taon sa ibabaw ng mundo. Sana pwede ko ibigay sa kanya para maranasan din niya."
Hindi pa man nawawala ang Daddy ko, emotional na talaga ako. Mga palabas sa TV na napagaling yung isang bata sa tulong ng isang foundation, isang movie na maganda yung dialogue, mga librong binabasa ko, happy endings, magagandang kanta... Tangina. Sobrang babaw ng luha ko. Kaya kapag sa mga panahong nakakapanuod naman ako ng isang bata na hindi na kinaya dahil sa sakit na meron siya, siguradong tutulo na agad yung luha ko.
Kung pwede lang kasi eh, noh? Kung pwede ko lang ibigay yung buhay ko sa iba, sana ginawa ko na noon pa.
No comments:
Post a Comment