Hindi naman ako maselan sa mga ganyan. Lumaki ako na nakakakita ng mga taong tumatagay, naninigarilyo, nagsusugal, pati nga mga nag-ma marijuana. Hindi naman kami mayaman. Hindi kami nakatira sa isang exclusive subdivision na may guard pa. Kumbaga, saktong sakto lang ang buhay namin. Hindi mataas, hindi mababa. Tama lang.
Una ang drugs. Ang drugs para sakin ay hindi maganda. Kahit ano pa yan, basta pinagbabawal, ayoko. Period.
Yung alak naman, hindi na bago sakin yan. Lumaki akong umiinom ang Daddy ko. Sa barangay namin, Daddy ko pinakamalakas uminom. Nakakaisang case ng Red Horse ang Daddy ko. Seryoso. At ne minsan, hindi ko pa nakita yung Daddy ko na sumuka o ano. Walang umuubra sa inuman kay Daddy. Kaya ayun, hindi na ko hinintay grumaduate. Hahaha. De joke lang Daddy. Labyu. :* =)))
Hindi naman kasi ako parang ibang tao na ka-edad ko na kapag may nakitang uminom, akala mong sobrang makasalanan na yung ginagawa. Normal lang ang uminom. Minsan ka lang magiging teenager, eh di sulitin mo na. Minsan ka lang magiging bata at babawalin ng mga magulang mo, eh di sulitin mo na hanggang andiyan pa `di ba? Okay lang na uminom para sakin, basta kaya mong pagsabayin yung pag-aaral mo. Hanggat hindi puro INC at singko ang grades mo, ayos lang. Hanggat naisasalba mo ang kagaguhan mo at pasado pa din ang mga grades, go lang ng go.
Minsan ka lang mabubuhay. Kung ano yung gusto mo, gawin mo. Basta kailangan lang mag-set ka ng boundary sa pagitan ng tama at mali. `Wag na `wag mong papalagpasin ang mali sa tama. Dapat balance. `Wag mong hahayaan na lumamang yung kagaguhan sa huwisyo mo. Kung nararamdaman mo ng nalululong ka sa pag-inom, tigilan mo na. Dapat sakto lang. Bago mo respetuhin yung mga tao sa paligid mo, matuto ka munang respetuhin ang sarili mo.
Oo, masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya. Pero `wag tayo puro sarap. Dapat may konting hirap din. Wala kang mararating kung uunahin mo yung kagaguhan. Wala kang mararating kung uunahin mo yung mga bisyo. Mag-aral ka muna chaka ka mag-adik. At least kapag nag-adik ka, sosyal na adik ka kasi nagtapos ka muna ng pag-aaral di ba? De joke lang. `Wag mag-a adik. Hindi maganda yun. Inom na lang.
Yun nga, lagi lang tatandaan na may pagitan lahat ng ginagawa natin. Hindi maganda yung sobra, hindi din maganda yung kulang. Kung yun pag-aaral nga, kapag sumobra baka maging baliw ka. Ganun din sa bisyo. Dapat alam mo yung hangganan ng ginagawa mo. Kung gagawa ng kagaguhan, `wag mong kakalimutang dalin yung pag-iisip mo.
No comments:
Post a Comment