3.20.2012

Day 6: Have you ever thought about taking your own life?

Sabi ko nga sa post ko na ito, kung pwede ko ibigay yung buhay ko sa isang taong lubos na nangangailangang mabuhay sa mundo, gagawin ko. Pero hindi ko tinangkang patayin yung sarili ko. Hahahaha. Nagdaan din ako sa "emo days" pero hindi naman ako emo na emo.
Para sakin, suicide ang pinaka-makasalanang gagawin ng isang tao. Kasi ang swerte swerte natin `di ba? Pinahiram tayo ng Diyos ng buhay para gamitin, para pag-yamanin, para maging masaya. Tapos hindi mo papahalagahan? `Di ba? Ang ungrateful naman masyado. Ang sarap mabuhay sa mundo. Ang sarap mangarap kahit hindi magkakatotoo. Kahit minsan nagkakaron ng maraming gusot ang buhay mo, binigyan ka pa din ng utak at pag-iisip ng Diyos para maayos mo.
Magpasalamat ka na buhay ka. Ako, kahit hindi maganda ang mga pinagdaanan ko sa buhay, nagpapasalamat pa din ako kasi napaka-daming tao diyan ang mas nahihirapan kesa sakin. Hindi ko sinasabi na masaya ako na may mga tao na mas mahirap kesa sakin, sinasabi ko lang na hindi dahilan ang isang maliit na bagay para magalit ka sa mundo. Hindi dahilan ang isang pagkabigo para hindi mo na ipagpatuloy ang buhay mo.
Hindi pa katapusan ng mundo o ng buhay mo kung nagkamali ka. Kaya ka buhay ngayon kasi binigyan ka pa ng isang pagkakataon ng Diyos para itama lahat ng mga pagkakamaling nagawa mo. Magpasalamat ka. Kahit mahirap ang buhay at mabaho ang hininga mo dahil wala kang pambili ng toothpaste, at least humihinga ka.
`Di ba? Hindi hadlang ang mahirap na buhay para hindi ka mabuhay. `Wag ka maghanap ng dahilan para sumuko, maghanap ka ng paraan. Dahil kahit na bumabagyo man ang mundo mo ngayon at hindi man lumipas agad-agad, gumawa ka ng barko para malagpasan mo. Lahat ng pagsubok may sagot, basta alamin mo lang kung ano yun. Kung si Noah, gumawa ng arko para mailigtas niya ang sarili niya sa bagyo. Eh `di ganun din ang gawin mo sa buhay mo. Kung hirap na hirap ka na, hindi sagot ang pagpapakamatay para malutas lahat ng problema mo.
Lahat ng problema may solusyon. Kung walang solusyon, eh `di `wag mo problemahin.

No comments:

Post a Comment